Sikat na aktres kamukha ng kaaway na tatay ang negosyanteng dyowa
Jun Nardo (Pang-masa) - February 24, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kamukha pala ang tatay ng isang sikat at kontro­bersiyal na aktres ang dyowa niyang may edad sa kanya.

Eh hindi naman paandar ang dyowa ng aktres kapag dumarating sa isang showbiz event at tahimik lang na akala mo ay ordinaryong tao kaya hindi siya masyadong pansinin ng mga hindi nakakakila sa estado niya sa buhay.

Kung ang aktres ay animo isang social butterfly na palipat-lipat ng table, ang asawa niya ay nananatiling pirmi lang sa lugar na kinauupuan.

Buti na lang at nananatiling magkasundo ang dalawa kahit kamukha ng kaaaway na fadir ang negosyanteng partner, huh!

Dahilan ng hiwalayang Mark at Ynna lumantad na

Buking na ang pagkakaroon ng anak ni Mark Herras. Siya ‘yung aktor sa blind item na naanakan ang handler/road manager niya.

Kahapon sa Startalk nakatakdang aminin ni Mark ang pagiging father na niya. Tiyak na mauungkat na ito ang dahilan kaya naghiwalay sila ni Yna Assistio, huh!

Tanong nga ng marami: Makakatulong ba o makakasira sa career ni Mark ang pag-amin niyang meron na siyang anak?

“Hindi naman siya si Dennis Trillo na mahusay umarte kaya tanggap ng tao kahit unwed father siya, ’no?” rason ng isang kaibigang writer.

Naku, ang pagkakaroon ng anak kaya maraming bashers si Mark sa Twitter na hindi gusto na idinidikit ang pangalan niya sa dating ka-love team na si Jennylyn Mercado na kapareha niya sa Rhodora X.

Paolo iwas magsalita sa isinampang annulment

Ongoing pa rin ang annulment ng kasal nina Paolo Contis at Lian Paz na isinampa ng aktor sa korte. Kaya naman iwas siya sa pagbibigay ng detalye sa rason ng pagsampa niya ng pagpapawalang-bisa sa kasal sa ina ng dalawang anak.

“It’s still there. Paglabas publicly malalaman ninyo ang dahilan. I filed a technicality of the whole proceedings na maging null and void. The case is ongoing kaya I cannot talk about it,” katuwiran ni Paolo nang bisitahin ng press sa taping ng Villa Quintana.

Pero may dyowa na si Lian, huh!

“Oo,” sagot niya.

Siya ba may dyowa na rin bang iba?

“Wala!” diin ni Paolo.

 

DENNIS TRILLO JENNYLYN MERCADO LIAN PAZ MARK HERRAS NIYA PAOLO CONTIS RHODORA X SIYA VILLA QUINTANA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with