^

Pang Movies

Mommy Inday nina Gretchen, walang masabi sa pagpapa-rehab daw ni Claudine sa abroad!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Kibit-balikat lang si Mrs. Inday Barretto sa latest intriga na nagpapa-rehab sa ibang bansa ang kanyang anak na si Claudine Barretto kaya hindi makapagparamdam ng dalawang buwan na.

“Lagi namang ganun ang sinasabi nila (ng mga tao), kung hindi nagparetoke eh nagpa-rehab,” reaksiyon ng ina ni Claudine na natiyempuhan ko kamakailan na naggo-grocery na mag-isa sa Metro Gaisano ng Market! Market! sa Taguig City.

Maayos at pormal na nakipag-tsikahan saglit si Mrs. Inday kahit medyo naiilang nung una dahil hangga’t maaari ay ayaw na sana niyang pag-usapan ang sigalot sa kanila ni Gretchen Barretto, Raymart Santiago, at pati na si Marjorie Barretto.

Ayon sa matriarka, hindi niya nakikitang magkakaayos na sila sa mada­ling panahon. Nang tanungin din kung kahit ba text message nung mga nagdaang okaasyon ay hindi sila nag-effort nina Gretchen at Raymart sa isa’t isa na magbatian, ang mahinahong balik-tanong niya, “Ikaw ba kung may kaaway ite-text mo? Ang plastic naman nun ’di ba?”

May punto nga naman. Pero bakit kaya nang si Claudine ang kinumusta kung nakakapag-text ba ay hindi naman nakasagot si Mrs. Barretto? Grabe naman si Claudine kung hindi rin makapagparam­dam sa kakampi niyang ina. Nasaan nga ba siya?

Singer na hindi na gaanong sikat, ilag sa fans

May nag-feed uli ng tsika mula sa Abu Dhabi tungkol sa isang female singer na may malaking title sa pagko-concert.

Ayon sa source na based doon, naimbitahan daw itong female singer nang magbukas ang isang bar na may mga branch sa Pilipinas

“Parang ang mahal daw ng pagkakabayad sa kanya ‘tapos ang iksi lang ng oras niya,” sabi ng source.

Naku, dumayo ba si female singer sa malayo para lang kumanta ng konti? Dapat nga ma-excite siya kasi hindi na siya aktibo sa music scene. Nabigyan pa naman siya ng magandang titulo pero madalang siya kung makapag-show sa Pilipinas.

“Pagdating sa photo-op parang ilag pa sa fans,” dugtong ng source.

‘Yun ang the height. Hindi pala siya accommodating sa kanyang mga tagahanga na nagpapakahirap magtrabaho sa Abu Dhabi at sabik sa mga kababayang entertainer.

***

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

 

vuukle comment

ABU DHABI

AYON

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN BARRETTO

MARJORIE BARRETTO

METRO GAISANO

MRS. BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with