Janno kita na ang advantage sa pag-aasawa ng bata
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 18, 2014 - 12:00am

May taping si Janno Gibbs ng drama series niyang Paraiso Ko’y Ikaw last Friday kaya late na ang Valentine’s Day celebration nila ng wife niyang si Bing Loyzaga. Kaya tuloy ang bouquet of flowers para sa misis at last Saturday na lamang niya naibigay. May recording naman siya ng theme song ng Kambal Sirena after namin siyang makausap last Sunday kaya kagabi lamang sila magkasamang nag-dinner ng asawa.

Halata ang saya ni Janno ngayong active na uli siya sa pagsusulat ng lyrics ng mga bagong kanta na nag­simula nang ma-inspire siyang gawin ang Ba­ngon Kapatid para sa mga biktima ng typhoon Yo­landa. Nagustuhan ito ng GMA Network, iginawa pa ng music video at nakapagtala ng maraming downloads sa iTunes. Nang isama siya sa cast ng Paraiso Ko’y Ikaw at nabasa niya ang script, sumulat muli siya ng song at ini-offer na theme song sa production with the same title. Nagustuhan ito at nasundan pa nang siya rin ang pagsulatin ng theme song ng Kambal Sirena ni Louise delos Reyes na malapit na ring ipalabas sa GMA 7.

Very proud si Janno sa two girls nila ni Bing, si Alyssa, 24 years old, na nakatapos ng psychology sa Ateneo University pero ngayon ay may sarili nang clothing line, online, ang Neon Island, at may dalawa na ring stores sa Trinoma (Quezon City) at Power Plant (Makati City). Ang bunso nilang si Gaby, 16, ay graduating na this March sa high school ng OB Montessori. Biro ni Janno, iyon daw ang advantage na nag-asawa sila ng bata pa (he’s 19 at si Bing ay 18 noon), nakakasabay nilang mag-grow ang mga anak nila.

Nora ninenerbiyos makasama ni Carl

Magkasama sa Valentine’s Day dinner sina Kris Bernal at Carl Guevarra last Friday. Pero kuwento ni Carl, hindi raw nagtagal ang dinner nila sa isang resto dahil late na. Dapat daw ay somewhere in Makati ang dinner nila pero naipit siya sa traffic. Alas-6:00 na kasi ng gabi natapos ang pictorial niya sa first project sa TV5, ang Pretty Little Liars, na ginawa sa studio ng TV5 sa Novaliches. Naintindihan daw naman ni Kris ang nangyari kaya babawi na raw lamang siya next time.

Lumipat na ba si Carl sa TV5? Pero ayon sa aktor hindi naman daw at non-exclusive ang contract niya at per project lamang. Thankful siya sa manager niya dahil after 10 months na wala siyang ginawa sa GMA 7 pagkatapos ng Bukod Kang Pinagpala, dalawa agad ang gagawin niya sa Kapatid Network. Bukod kay Regine Angeles na co-winner niya sa Be Bench reality show ng ABS-CBN ay makakasama rin niya ang mga graduate ng Artista Academy sa Pretty Little Liars na under direction of Mac Alejandre.

Kasama rin si Carl sa musical show na Trenderas na no other than si Ms. Nora Aunor ang makakasama naman niya. Ngayon pa lang ay excited na raw siyang ninenerbiyos sa pagsasama nila ng Superstar dahil ang character niya sa story ay dikit sa character nito. Alam daw niya kung gaano kahusay umarte si Ms. Aunor kaya may kaba talaga sa kanya ang pagsisimula nila ng taping ng show.

 

ARTISTA ACADEMY ATENEO UNIVERSITY BE BENCH JANNO KAMBAL SIRENA NIYA PRETTY LITTLE LIARS SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with