^

Pang Movies

Elizabeth O mainit ang dugo sa mga batang artista na walang respeto

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Kasama si Elizabeth Oropesa sa pelikulang Sitio Camcam na mula sa panulat ng Palanca Awardee na si Jerry Gracio at sa direksiyon ni Joel Lamangan. Gagampanan ni Beth ang karakter ng ina ni Allen Dizon.

Kuwento ang Sitio Camcam ng paghahari ng karakter ni Allen sa korapsyon at mga illegal na raket habang nasa proseso ng demolisyon ang nasabing lugar. Tampok din sina Jean Garcia, Sunshine Dizon at Charice Pineda bilang tatlong asawa ni Allen.

Inamin ni Beth na terror siya sa mga kabataang artista. Nagagalit siya kapag dumarating sila ng late sa set at hindi marunong bumati at magpaalam sa mga kasamahang artista.

 Mark matapang gumawa ng daring stunts

Sumabak si Mark Herras sa daring stunts sa ilang eksena sa Rhodora X at hindi siya gumamit ng double. May background naman sa martial arts ang aktor. At siyempre magaling siyang dancer kaya magaan ang katawan.

Jade Butterfield at David Elliot ipaglalaban ang pagmamahalan

Maraming naka-relate nang mapanood sa premiere night ang pelikulang Endless Love. Sabi nga nila, wala nang mas mapusok, mas makapangyarihan at mas matamis kaysa sa first love.

Ngayong Valentine’s Day, ipaglalaban ng isang couple ang kanilang pagmamahalan - sina Jade Butterfield at David Elliot. Magkaiba ang antas ng pamumuhay ng dalawa dahil nanggaling sa mayamang angkan si Jade at si David naman ay pangkaraniwan na manggagawa.

Ang pagmamahalan ng dalawa ay tututulan ng ama ni Jade. Gagawa ng paraan ang dalawa para patunayan na mahal nila ang isa’t isa.

Palabas na ang Endless Love mula sa Solar-UIP.

ALLEN DIZON

CHARICE PINEDA

DAVID ELLIOT

ELIZABETH OROPESA

ENDLESS LOVE

JADE BUTTERFIELD

JEAN GARCIA

JERRY GRACIO

JOEL LAMANGAN

SITIO CAMCAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with