Kris gusto nang itikom ang bibig
- Vinia Vivar (Pang-masa) - February 15, 2014 - 12:00am

Birthday naman ni Kris Aquino kahapon at sa morning show niyang Kris TV ay ayaw niyang sabihin kung ano ang balak niya dahil ito raw ang regalo niya sa sarili niya – privacy.

“Maturity teaches you na kung ayaw mong pakialaman ‘yung life mo, manahimik ka,” she said.

Kung meron daw mga taong dapat niyang pagsabihan ng mga nangyayari sa kanyang buhay, ito ay ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

Pero sinabi rin niyang wala naman daw siyang bagong pag-ibig dahil ang rule nga raw ni Bimby ay no kissing on the lips.

Sa sobrang excited Jolina gusto agad magpa-confine kahit hindi pa manganganak

Nakatakda nang manganak si Jolina Magda­ngal anytime this February. Excited na nga ang aktres/singer dahil siyempre, ito ang panganay nila ng asawang si Mark Escueta.

Sa sobrang excitement, kahit Feb. 18 pa ang exact date ng delivery niya, last Thursday ay nagpunta na sila sa hospital at gusto nang magpa-confine.

Pero dahil hindi pa nga due date, pinauwi muna raw sila ng kanilang doctor.

And take note, nakaayos na raw ang lahat ng gamit ni Jolens na gagamitin sa hospital. Tatlong bag daw ang inimpake nito. Iba ang bag para sa asawa, para sa kanya at ang bag of course ng kanilang baby boy.

Gusto ni Jolens ng normal delivery kaya wait-wait na lang muna siya sa ngayon ng kanyang due date.

Jennylyn inaligaga ang sarili para ‘di MA-feel ang Valentine

It was a working Valentine’s Day for Jennylyn Mercado dahil kahapon ay nasa Cabanatuan siya for a Valentine show. Dateless ang aktres dahil wala siyang love life since everybody knows naman na kahihiwalay lang nila ni Luis Manzano.

After the break-up ay ibi­nu­buhos na lang ni Jen ang sa­rili sa trabaho. Kaya nga kahit Valentine’s Day ay tumang­gap siya ng raket at mas gus­tong magtrabaho.

Right now ay busy si Jen sa kanyang primetime soap na Rhodora X with ex-boyfriend Mark Herras at ang ganda ng feedback sa serye at sa pagbabalik ng love team nila.

 Ang dami pa rin talaga nilang fans ni Mark at ang lakas pa rin ng chemistry nilang da­lawa, sa totoo lang.

Happy naman si Jen sa mga positive feedbacks at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa serye.

BIMBY JENNYLYN MERCADO JOLENS JOLINA MAGDA LUIS MANZANO MARK ESCUETA MARK HERRAS PERO RHODORA X
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with