_pang-masa
^

Drew, Rodjun, at Mara maraming tutuklasin

(Pang-masa) - January 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Gising na para sa isang amazing na umaga kasama ang mga Kapuso star na sina Drew Arellano, Rodjun Cruz, at Mara Lopez sa Linggo sa AHA!

Sisilipin ng AHA! team sa pangunguna ni Drew kung paano niluluto sa tradisyonal na pugon ang sikat na pandesal, gayun din ang mainit-init at manamis-namis na taho. Alamin kung paano ito hinahanda habang natutulog ang karamihan sa gabi.

Isang early morning fishing trip naman ang pupuntahan ni Rodjun kasama ang mga mangingisda ng Cavite. Anu-ano nga ba ang mga kailangang dalhin at paghandaan kung mangingisda? Bakit nga ba tuwing madaling araw dapat manghuli ng mga isda?

Kung may mga hayop na panggabi o noctural, may mga hayop din na maagang gumising bukod sa tandang dahil sila ay mga diurnal o mas aktibo naman tuwing araw. Samahan si Mara na kikilanin ang mga ito.

Lahat ng ito sa amazing morning na hatid ng AHA! bukas na ng 9 a.m. sa GMA.

ALAMIN ANU BAKIT CAVITE DREW ARELLANO ISANG KAPUSO MARA LOPEZ RODJUN CRUZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with