^

Pang Movies

Solenn kayang magdala ng pelikula

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Grabe ’yung premiere night ng Indian producer na Pinoy na ang citizenship dahil sa bansa naman siya isinilang, ang name niya ay si Neil Jeswani. Siya ang sumugal sa Indian-Filipino love story na Mumbai Love. First time kaming nakadalo sa isang Pinoy movie na super marami ring Indian guests. Obvious naman dahil sa matatangos nilang ilong at magagandang mata, kayumangging balat, at may kung anong birthstone sa noo, sa pagitan ng dalawang mata.

Ang mga tao ay hindi magkamayaw at halos nakasalampak na sa aisle dahil punung-puno ang balcony ng sinehan. Pero mukhang satisfied naman sila dahil maganda ang execution ng Mumbai Love na idinirek ng Pinoy na California-based, si Benito Bautista. Okay siya ha? At pati script ay nagustuhan namin. May K  din ang mga artista.

Si Solenn Heussaff ay puwede nang pakawalan na magbida. Ang leading man niyang si Kiko Matos ay may kakayahang maging artista talaga kasi hindi bano ang akting, bukod sa matangkad at pogi, kahit malapad ang noo.

Eric tuloy na sa TV5

Tuloy na si Eric Quizon sa isang masayang TV series sa TV5. Supposed to be ay magbabakasyon muna siya pero nakipag-usap na siya sa pamunuan ng TV5 at hindi man mag-elaborate ang aktor-direktor, sa mga ngiti niya sa mga katoto, alam nang hindi na siya magbabakasyon.

Work na lang si Eric para sa isang bagong series na gagawin niya.

Divine, MJ, at Raymond main host na ng Showbiz Police

Nakausap namin ang maganda at may mala-porselanang si MJ Marfoni ng TV5 at isa sa mga field reporter ng Showbiz Police na ngayong 2014 ay malaki ang pagbabago dahil Monday to Friday na itong mapapanood.

Bukod kina Cristy Fermin at Direk Joey Reyes, minus Cong. Lucy Torres-Gomez, silang tatlo nina Raymond Gutierrez at Divine Lee ang magiging co-host at hindi sila pang segment at outside interview tulad sa dati. Sina MJ, Divine, at Raymond ang uupo sa panel at mag-i-interview ng mga guest artist.

BENITO BAUTISTA

CRISTY FERMIN

DIREK JOEY REYES

DIVINE LEE

ERIC QUIZON

KIKO MATOS

LUCY TORRES-GOMEZ

MUMBAI LOVE

PINOY

SHOWBIZ POLICE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with