Kahit hindi nagbanggit ng kasal ang aktor Jennylyn walang expiration date ang pagmamahal kay Luis
- Vinia Vivar (Pang-masa) - January 13, 2014 - 12:00am

Ayon kay Jennylyn Mercado, respeto ang dahilan kung bakit nananatili siyang tahimik sa breakup nila ni Luis Manzano.

“Respect. Respeto sa family niya, sa kanya and respeto rin para sa sarili ko,” pahayag ni Jen sa panayam sa kanya ni Heart Evangelista na inere sa Startalk last Saturday.

Dagdag pa niya, naging open naman siya rati sa kanyang past relationships and this time mas gusto naman daw niyang magtira para sa kanyang sarili.

“Lahat ng break-ups, lahat ng kilig moments, lahat naka-record, naka-interview. And nakakatawa nga as I look back, sabi ko, kahit nga hindi pa ako tinatanong, eh sumasagot na ako, ’di ba?

“So, parang ngayon, it’s time for me to – as a mature woman – kailangan kong magtira ng kahit paanong something for myself. Lalo na sa personal life ko,” sabi ni Jen.

Looking back ay wala naman daw siyang pi­nang­hihinayangan o kahit anong regrets sa lahat ng naging relationships niya.

“Kasi, sa isang relationship, two-way ’yan eh. ’Pag pumasok ka sa isang relationship, kumbaga couple kayo and ’pag nagkamali ang isa sa inyo, may responsibility and sa responsibility na ‘yun, part ka nun kasi kayong dalawa ang nagsasama. Give and take,” she said.

Tinanong ni Heart kung napag-usapan ba nila ang kasal.

“Etong recent relationship ko ah, no. Hindi kami nagkaroon ng time na pag-usapan ang mga ganung bagay. But that’s fine. Ang importante naman, naging masaya kami. Naging espesyal siya sa akin and naging magandang part din siya ng buhay ko,” pahayag ni Jen.

Tanong ni Heart, “Do you still love him?” at tinanong din siya ni Jen.

“Heartie, may expiration date ba ang pagmamahal?” Jen asked.

Sumagot naman si Heart ng “wala.”

Hindi man sumagot si Jen ng oo o hindi, sa sagot niya ay para na rin niyang sinabing walang expiration date ang pagmamahal niya kay Luis, ganun ba ’yun?

Anyway, unlucky man sa love, masuwerte naman si Jen sa kanyang career dahil sa pagpasok ng 2014 ay may Buena mano siyang project, ang teleseryeng Rhodora X na hahamon sa kanyang husay bilang aktres dahil sa napakabigat na papel na kanyang gagampanan.

Ipapalabas na ngayong Jan. 27 ang Rhodora X at ito ang most challenging role ever na gagampanan ni Jen simula nang magsimula siya sa showbiz 10 years ago.

Birong tinotoo AiAi nagulat sa P500k na abuloy ni Bossing Vic!

Si AiAi delas Alas pala ang unang nagbiro kay Vic Sotto na i-convert na lang sa prayers or cash ang Christmas gift sa kanya dahil nga namatayan siya. Tinotoo naman daw ito ni Bossing at talagang nagulat siya nang bonggang-bongga sa amount dahil tumataginting na kalahating milyong piso lang naman ito.

Five hundred thousand pesos for an abuloy is too much nga naman at parang sa showbiz, si Vic lang yata ang nabalitaan naming gumawa nito.

“Sabi ko kasi, ‘Bossing, namatayan ako ng nanay, ’yung hinihingi ko sa ‘yong regalo…’ humihingi kasi ako ng Lacoste eh kasi ’di ba parati niya akong hinihingan ng Lacoste? Kunwari ‘Ay, Lacoste naman diyan,’ ganyan.

“So, ngayon, sabi ko, ‘’Yung Lacoste na hinihingi ko sa ’yo, i-convert mo na lang sa prayers or pera kung gusto mo.’ ‘Yon, doon nagsimula.

“Nung nagpadala ng tseke, nagulat ako, muntik na akong sumunod sa nanay ko sa kagulatan! Sabi ko, ‘Huwag ka namang ganito, nagbibiro lang ako.’ Sabi niya, ‘Nagbibiro ka pala, di isoli mo.’ Ayoko nga,” masayang kuwento ni Concert Comedy Queen nang makatsikahan namin siya.

Samantala, ngayong 2014 ay muling mapapanood si AiAi sa Primetime Bida ng ABS-CBN dahil ka-join sa powerhouse cast ng Dyesebel kasama ang bidang si Anne Curtis.

Isang sirena rin ang role ni AiAi sa serye kaya naman kailangan niyang mag-aral lumangoy.

Ayaw pang sabihin ni AiAi kung sinong sirena ang karakter niya dahil bawal pa raw pero excited na siya dahil first time siyang mapapanood sa ganitong papel.

ANNE CURTIS BOSSING VIC JEN LACOSTE NAMAN NIYA RHODORA X SABI SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with