_pang-masa
^

Pang Movies

Eugene pahinga muna sa pelikula, payag na ring makarelasyon si Jose

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nabigla si Eugene Domingo nang ipaalala ni German “Kuya Germs” Moreno sa segment nila ni Tita Aster Amoyo sa Walang Tulugan with Master Showman ng GMA 7 na siya ang dahilan kung kaya siya nakuhang endorser ng Dazz brand. Inabot na sa kanya ang produkto kaso hindi matanggap ni Eugene dahil Joy brand na ang ini-endorse niya.

Kaya biglang na-edit ang portion na binida-bida pa naman ni Kuya Germs dahil madaling kausap daw si Eugene at hindi siya nagdalawang salita sa aktres dahil pumayag nga ito agad maging endorser ng brand.

Samantala, totoo palang hindi gagawa ng pelikula si Eugene ngayon 2014 dahil last year ay anim ang natapos niyang pelikula. Tatlo rito ang mainstream at tatlo rin ang indie na sunud-sunod ding ipinalabas. Kaya seryoso raw siyang karirin ang kanyang love life. Hindi na nga raw kailangan umaakyat ng ligaw sa kanya ang lalaki dahil baka mapagod lang kaya siya na mismo ang bababa ng bahay tutal naman daw ay walang hagdan ang tirahan niya.

Isa sa priority niyang gawin ay ma-promote ang indie film na Kuwentong Barbero (Barber’s Tale) kung saan siya nanalong best actress sa 26th Tokyo International Film Festival for Independent Film na isinulat at idinirek ni Jun Lana.

Bukod sa memorable kay Eugene ang Japan dahil sa kanyang pagkapanalo ay nagustuhan niya ang kultura, malinis na lugar, at pagiging professional at disiplinado raw ng mga tao roon. Kaya pangako niya ay babalik siya sa nasabing bansa na isa sa treat niya sa kanyang sarili para namnamin daw niya uli ang Cherry Blossoms.

Hanggang ngayon ay thankful pa si Eugene sa tagumpay ng kanyang movie na Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Pangarap daw niyang makita in the furure na may mag-remake ng Kimmy Dora na ibang artista tulad halimbawa nina Rhian Ramos o Kiray o isalin ang kuwento sa komiks para ma-explore pa ang adventure ng twin character nina Kimmy at Dora.

Talaga raw magpapahinga muna siya ngayong taon tutal ay mapapanood pa naman siya sa Celebrity Bluff sa TV na patok sa viewers bukod sa nagkaroon na sila ng love team ni Jose Manalo.

Sa tanong kung puwede na niyang patusin si Jose ay puwede na rin daw, sabay tawa at nagsabing basta ba huwag siyang hahabulin ng kaso.

 

ANG KIYEMENG PREQUEL CELEBRITY BLUFF CHERRY BLOSSOMS INDEPENDENT FILM JOSE MANALO JUN LANA KAYA KIMMY DORA KUYA GERMS SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with