Ate Vi kinastigo ang ginawa ni Toni kay Luis
- Vinia Vivar (Pang-masa) - January 5, 2014 - 12:00am

Cute ang pagkuwes­tiyon ni Batangas Go­ver­nor and Star For All Seasons Vilma Santos kay Toni Gonzaga kung bakit nito binasted ang anak niyang si Luis Manzano sa episode ng Minute to Win It.

Guest co-host si Toni dahil si Luis ang naglaro for the first time for the show’s New Year episode na inere last Thursday and Friday.

Ang mapapanalunan ni Luis ay mapupunta sa Yolanda victims at sinorpesa ni Ate Vi ang anak sa telepono to wish him luck sa paglalaro.

Pero naging playful si Ate Vi at tinanong si Toni kung bakit nito binasted ang anak niya noon.

“Bakit mo binasted ang anak ko? Toni, are you listening? Toni, alam mo nung nililigawan ka ni Lucky, ’tapos binasted mo siya, alam mo bang masyadong naapektuhan ang anak ko?” sunud-sunod na tanong ni Ate Vi sa telepono.

Sagot naman ni Toni, “Naku! Pasensiya na po kayo, hindi ko sinasadya. Bata pa po ako noon.”

Well, as we all know, ang mapalad na nakasungkit ng puso ni Toni ay si Direk Paul Soriano at marami ang humuhula na sila na ang magkakatuluyan.

Pero kahit naman hindi natuloy sa isang relasyon sina Toni and Luis ay nanatili naman silang magkaibigan.

Joross naghahanda na sa pagpapa-pamilya

Kasama rin si Joross Gamboa sa sitcom na Home Sweetie Home at para ngang reunion ng My Amnesia Girl ang bagong show dahil sila-sila pa rin ang magkakasama nina John Lloyd Cruz, Toni Gonzaga, at Ketchup Eusebio.

Paano nga ba nasama si Joross sa sitcom na ito? Sinama ba siya ni Lloydie porke halos lahat ng mo­vies ng aktor ay kasama siya?

“Actually, hindi ko alam. Pero happy ako dahil first sitcom ko ito. Matagal ko nang gustong mag-comedy. ’Buti naman napasama ako. Blessed naman,” masayang pahayag ng aktor.

Sa sitcom ay gagampanan ni Joross ang makulit na kaibigan ni Lloydie at true to life nga raw ang papel niya dahil in real life ay talagang makulit siya.

“Tuwang-tuwa ako. Dito ko na magagamit ’yung pagiging makulit ko. Kapag drama lagi, ’yun ang kabaliktaran. Natuwa ako kasi si Toni rin ang kasama ko sa pelikula, ’yung Piolo (Pascual)-Toni. Kaya parang lahat kadikit ko,” say pa ng aktor.

Kumustang katrabaho si John Lloyd?

“Kasi parang barkada ko na ’yan eh. Naka-close ko talaga. Magkaibigan na kami. Hindi lang ’yung parang taping lang, parang shooting friends. Kahit walang taping, walang shooting nagkikita kami. Si Toni, kaibigan ko rin. First movie niya, D’ Ano­thers, mga Roxanne (Guinoo) days ko, kaming tatlo lang ang magkakasama sa US niyan,” sabi ni Joross.

Sa December ng taong ito ay ikakasal na si Joross sa non-showbiz girlfriend niyang si Katz Zaga at dahil malayu-layo pa, say niya, “Sana, hindi muna siya matauhan,” sabay tawa.

Pero mukhang tuluy-tuloy na talaga sa simbahan ang relasyon nila dahil sa ngayon daw ay may business na sila.

“Nagre-release kami ng mga container, ’tapos trucking. Releasing ng paper sa Customs,” kuwento pa ni Joross.

Graduating na rin ang aktor ngayong March sa kursong mass communications at sabay silang magtatapos ng girlfriend.

“Kasi usapan namin ng fiancé ko, hindi kami magpapakasal ’pag hindi pa graduate. Ga-graduate na rin siya ng masscom ngayong March,” he said.

Pangarap din ni Joross na maging direktor kaya balak din niyang mag-train ng pagdidirihe kay Direk Olive Lamasan.

Natutuwa naman kaming makitang nag-mature na si Joross at nagseseryoso na sa buhay. Maybe a few years from now ay makikita na rin natin siyang may akay na tsikiting.

Ang bilis talaga ng panahon.

ATE VI BATANGAS GO DIREK OLIVE LAMASAN DIREK PAUL SORIANO JOROSS PERO TONI TONI GONZAGA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with