Mga anak ni Sunshine, kay Cesar nagpasko at bagong taon
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 2, 2014 - 12:00am

Hindi nakasama ni Sunshine Cruz ang tatlong anak nila ni Cesar Montano noong Bagong Taon.

Ang kanilang ama ang kapiling ng mga bagets sa pagsalubong sa 2014.

Nagdiwang ng Bagong Taon ang mag-aama sa bayan ni Cesar sa Bohol. Mga beach person ang mga bagets kaya swimming ang inatupag nila sa maghapon. Very happy si Cesar dahil magkakasama sila ng kanyang mga anak noong Pasko at Bagong Taon.

Mga nangongopya ng mga sosyal na furniture target ng NBI

Mga Kenneth Cobonpue ang mga furniture sa restaurant ni Willie Revillame sa Wil Tower Mall.

World class ang quality ng mga furniture ni Cobonpue na pilit na kinokopya pero hindi mahigitan ng mga pirata.

Nahaharap sa kaso ang mga furniture maker na ginagaya ang mga design ni Cobonpue.

Ni-raid kamakailan ng NBI agents ang isang furniture store sa Cavite na nagbebenta ng replica ng mga design ng sikat na furniture designer.

May nagsabi sa akin na isang furniture store sa Laguna ang nagbebenta rin ng mga replica ng design ni Cobonpue. Dapat matakot ang furniture store owner dahil kung  hindi siya hihinto sa kanyang ginagawa, baka siya na ang next na i-raid ng NBI agents.

Lian Paz at bagong bf malamig ang bagong taon

Ang matangkad na boyfriend ang kasama ni Lian Paz noong New Year’s Eve.

Malamig ang Bagong Taon ng magdyowa dahil sinalubong nila sa Baguio City ang 2014.

Hindi inaamin ni Lian na may kapalit na si Paolo Contis sa kanyang puso pero malinaw na ebidensiya ang pictures nila ng dyowa niya. Sweet na sweet sila at madalas na magkayakap sa mga litrato  na makikita sa social media.

Pagsasama ng dalawang sikat na artista ngayong taon wala nang urungan

Matutuloy ngayong 2014 ang pagsasama sa pelikula ng dalawang sikat na artista. 

Kinumpirma ni Actress A na tuloy na tuloy na ang project nila ni Actress B pero ayaw muna niya na magbigay ng ibang detalye para hindi ma-pre-empt ang plano.

Iniiwasan din ni Actress A na mapagalitan siya ng big boss ng major movie outfit na producer ng project.

MMFF hinahamong ilabas ang listahan ng mga pinagmumulta

Ang sabi ng mga baklita, dapat ilabas ng Metro Manila Film Festival o MMFF organizers ang listahan ng mga artista na pinagmulta nila dahil hindi umapir sa awards night.

Kailangan daw na ipatupad ng MMFF organizers ang kanilang policy para hindi sila maging unfair sa mga artista na nag-effort na dumalo dahil iginalang nila ang policy.

Magkakaalaman kung sino sa mga artista ang wil­l­ing magmulta o dededmahin ang batas ng MMFF. Agree ako na isapubliko ang pangalan ng mga artista na pagmumultahin para masubukan kung sino sa kanila ang mga pasaway at law-abiding citizens.

ACTRESS A ACTRESS B BAGONG TAON COBONPUE FURNITURE LIAN PAZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with