Kuya Kim at pamilya dumayo sa village na balot sa yelo!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 28, 2013 - 12:00am

Well-deserved ni Kim Atienza ang Christmas holidays ng kanyang pamilya sa Pan Pacific Whistler Village Centre sa British Columbia, Canada.

Hindi madali ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Papa Kim kaya marapat lamang na i-enjoy niya ang kanyang third life.

Sosyal na lugar sa British Colombia ang Pan Pacific Whistler Village Centre. Nag-skiing lang naman si Papa Kim, ang kanyang misis na si Fely at ang kanilang tatlong anak.

Feel na feel ng Atienza family ang white Christmas dahil balot ng yelo ang sosyal na village na dinarayo ng mga turista.

Ibang klase si Papa Kim dahil kahit nasa malayong lugar, aligaga siya sa pagsagot sa mga tweet ng kanyang followers sa Pilipinas.

Ang paggamit ng torotot sa pagsalubong sa Bagong Taon ang brilliant suggestion ni Papa Kim. Ligtas na sa sakuna, exercise pa raw sa baga ang pag-ihip ng mga torotot.

Agree ako sa suggestion ni Papa Kim. Tigilan na ang paggamit ng mga malalakas na paputok na tinawag na Super Yolanda.

Utang na loob, dapat nang ibaon sa limot si Yolanda dahil marami ang namatay at nawalan ng tahanan dahil sa kanya. Itigil na ng mga manufacturer ng mga paputok ang kanilang katsipan! Maging sensitive sila paminsan-minsan, alang-alang sa mga kababayan natin na patuloy na nagdurusa sa kalamidad na bitbit ni Yolanda sa ating bansa.

 

Ryzza Mae at buong pamilya alagang-alaga ni Kris

Parang member na ng pamilya ni Kris Aquino si Ryzza Mae Dizon. Alagang-alaga ni Kris si Ryzza Mae at kahapon ay kumain muna ang bagets at ang pamilya nito sa bahay ni Kris bago sila pumunta sa awards night ng 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Magkasama kasi sina Bimby Yap, Jr. at Ryzza Mae sa rehearsal ng production number nila para sa awards night. Natural, sinayaw ng dalawang bagets ang My Little Bossings, ang title at theme song ng kanilang pelikula na tumatabo sa takilya.

Sunud-sunod ang pralala na No. 1 sa box office ang My Little Bossings. Kailan kaya magpapatawag ng victory party ang mga produ para makapag-share sila ng kanilang blessings?

 

Lian Paz halos ipinakita na ang lahat sa men’s mag

Sobrang seksi ni Lian Paz sa cover ng isang men’s magazine. Kung kailan nag-asawa, nagkaroon ng anak at nakipaghiwalay kay Paolo Contis, saka naging daring si Lian.

For adults only ang sexy pictorial ni Lian. Hindi niya puwedeng ipakita o ipagmalaki sa kanyang dalawang maliliit na anak na babae ang magazine cover na halos ibinuyangyang na niya ang lahat.

In fairness, maganda pa rin ang shape ng katawan ni Lian. Hindi mo aakalain na nanay na siya at dalawa na ang kanyang anak. Hindi ko na tatanungin si Paolo sa reaksyon nito sa sexy pictorial ng kanyang ex-dyowa. Knowing Paolo, may one-liner siya na nakahanda na baka hindi ikatuwa ni Lian.

                                             

BAGONG TAON LIAN LIAN PAZ MY LITTLE BOSSINGS PAN PACIFIC WHISTLER VILLAGE CENTRE PAPA KIM RYZZA MAE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with