^

Pang Movies

Lihim na lihim lang celeb darating sa Tac­loban

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Report ng news correspon­dent na si Claire Delfin sa News to Go ng GMA News TV kahapon, bukod kay Justin Bieber, may ilang international celebrities pa rin na darating sa Tacloban City bago mag-Christmas bilang pamaskong handog nila. 

Ang UNICEF ang tinatawagan ng mga celebrities na nakita raw ang pinsala sa mga taga-Leyte sa typhoon Yolanda. 

Ayaw pa lamang nilang banggitin kung sinu-sino pa ang darating, isosorpresa na raw lamang sa mga sinalanta ng bagyo ang pagdating nila.

Kris inangkin na ang pagiging stage mother of the year

“Stage Mother of the Year” na ang pakilala ni Kris Aquino sa sarili sa pagdalaw nila ng Cebu last Saturday and Sunday to promote their movie nina Vic Sotto, Jose Manalo, Bimby Yap, at Ryzza Mae Dizon, ang My Little Bossings. Nakakatuwa na parang anak na rin ni Kris si Ryzza Mae na madalas ay siya ang may kandong kay Aling Maliit, at mukha namang hindi nagseselos si Bimby dahil naging very close na rin sila dalawa. 

Si Bimby pa ang nagturo kay Ryzza Mae sa paglangoy nang mag-swimming sila sa Plantation Bay Hotel. Madalas ay si Kris pa ang nakabantay sa dalawang bagets. Bumisita rin silang apat sa mga radio stations ng Cebu at sa SM City ang kanilang big promo na kung lahat ng mga taong nagpunta roon ay manonood ng movie, tiyak nang mangunguna sila sa Metro Manila Film Festival sa December 25. At bago bumalik ng Manila ang grupo, pinasukatan pa ni Kris ng damit na isusuot nina Bimby at Ryzza sa awards night ng MMFF sa sikat na couturier na si Cary Cantiago.

Ruru gusto ring makasama si Marian

Thankful si Ruru Madrid sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya after niyang naging finalist sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break. Nakakaganap daw siya ng iba’t ibang role, like sa Sunday suspense-thriller nilang Dormitoryo after ng Sunday All Stars, gumaganap siyang isang nerd student na secretly in love kay Hazel (Lauren Young). 

Nasa cast din si Ruru ng Akin Pa Rin ang Bukas at dito naman naranasan niyang maging isang lumpo na laging nakasaklay kung maglakad. Isa sa dream ni Ruru ay makasama sa isang soap si Ma­rian Rivera na ang bait-bait daw kahit minsan-minsan lamang silang nagkikita. 

Nag-iimbita si Ruru sa block screening ng first movie niya ang Bamboo Flowers sa SM Megamall Cinema 4 sa Sabado, December 14. Kinunan nila ang buong movie under Maryo J. delos Reyes sa Bohol nang hindi pa lumilindol doon. Ang proceeds ng showing ay ido-donate nila para sa restoration ng Abatan River na mapapanood pa sa movie.

ABATAN RIVER

AKIN PA RIN

ALING MALIIT

BAMBOO FLOWERS

BIG ARTISTA BREAK

BIMBY

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with