Anne at Loydie may nakaraan?!
MASA...RAP - Ernie Pecho (Pang-masa) - December 5, 2013 - 12:00am

Eksena ng linggo ang pagwawala at pananampal ng lasing na si Anne Curtis kina John Lloyd Cruz at Poemela Barranda sa isang okasyon. Maraming version ang nangyari kaya nalilito ang publiko.

Ang sabi nag-ala Baron Geisler si Lloydie kaya nasampal ni Anne. May report na feeling nabastos ang aktres dahil pinagkakatok ng aktor ang toilet na gamit pa niya. Lumabas na minadali ni Lloydie si Anne.

Ang bulong naman ng isang close sa dala­wang artista, merong matagal na sa­maan ng loob ang dalawa, at doon lang lu­mabas nang husto. Kung paano nadamay si Barranda (na hi­ningan agad ng sorry ni Anne) ay hindi namin alam.

Pati si Jake Cuenca nadamay, pero uma­min ang aktor na present siya on that occasion, pero hindi siya kasali sa kaguluhan. Wala siyang alam kung ano talaga ang nangyari.

Nagkaroon ba ng affair sina Anne at Lloydie noon?

Starlet maniac!

Pinaghihinalaang nymphomaniac ang isang sexy starlet. Steady niya ang isang aktor, pero nakikipag-date pa siya sa isang showbiz personality. Katwiran ng seksi, pinababayaan ng kanyang boyfriend ang mga panga­ngailangan niya bilang babae, samantalang nahulog na ang timbang ng menchu sa sobrang pagbibigay sa kanyang partner. Pinagbintangan pa nga siyang closeta.

Kilala na kasi ang aktres sa pangangaliwa at pag­re­­reklamong hindi na nadidiligan kahit sagana sa sex. Noon kumaliwa siya sa isang dating steady, walang ras­yon din ang reklamo niya, kaya nagpadilig sa iba!

Vic sure na pakakasalan na si Pauleen

Ang say ni Vic Sotto kaya siya nakipagrelasyon kay Pauleen Luna, meron siyang long-term plan. Ibig sabihin may balak siyang lumagay sa tahimik with his much younger girlfriend.

Kaya lang it has yet to come. Maybe in the near future, na ang promise naman ni Bossing, ipaalam niya kung definite na.

Heart mali ang akala kay Alessandra

Mali ang unang akala ni Heart Eva­n­gelista (bagong endorser ng Tanduay) na liberated ang kanyang friend na si Alessandra De Rossi. ‘‘Yun pala napaka-conservative niya. Kahit sa kissing scene hindi siya sanay.’’

Gusto ni Alessandra na beach ang kanyang kasal, dahil feeling niya ay isa siyang sirena! Sigurado naman hindi isang syokoy ang magi­ging groom niya.

Inday Barretto hindi maikumpara ang buhay kay Annabelle Rama

Mapalad si Annabelle Rama na kahit bini­bigyan siya ng pera nina Richard, Raymond, Ruffa, at iba pang Gutierrez, kahit minsan hindi isinumbat sa kanya ang mga ibinigay.

Ewan kung masasabi rin ito ni Inday Barretto, na marami pang ibang bintang ang mga sariling anak, na tila ibang tao o hindi galing sa kanyang sinapupunan.

Eugene gusto nang magka-boyfriend

Ang dasal ngayon ni Eugene Domingo, magkaroon na ng boyfriend.

‘‘Gusto ko na Lord. Please give me a lover.” Isa sa mga inaabangang palabas this 2013 Metro Manila Film Festival ang Kimmy Dora 3.

Pagkamatay ni Paul Walker, itinulad sa pagkamatay kay James Dean

Si Paul Walker na namatay sa car crash para sa raising event para Yolanda victims. Bago ang aksidente nakalikom na siya ng maraming pera at relief goods na pinadala sa Kabisayaan.

Itinutulad ang pagyao ni Walker sa car accident ni James Dean na bata ring namatay after his starring in Rebel Without a Cause  at Giant.

ANNABELLE RAMA INDAY BARRETTO JAMES DEAN LLOYDIE NIYA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with