_pang-masa
^

Pang Movies

Lady broadcaster inaakting na magmukhang kawawa, naka-ready na ang water spray para magpawis at eyebrow pencil para dumungis

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Mahusay mag-inarte na laging pagod na pagod sa kanyang mga coverage ang isang lady broadcaster.

Palagi siyang may baon na imported mineral water spray na nilalagay sa kanyang noo, mukha, at leeg upang magbigay ng ilusyong pawis na pawis at exhausted.

Meron din siyang black eyebrow pencil na inilalagay sa fez upang medyo magmukhang marumi siya!

Bigyan agad ng award. Hindi broadcaster of the year but best actress trophy.

Baklang production designer na yumaman luhaang babalik sa Canada, dating lover sikat na at may iba na

Tinupad ng isang beking production designer na Canadian citizen na at yumaman na roon ang pangakong babalikan niya ang poging bit player na kinupkop niya noon. Bumalik sa bansa ang bading upang lakarin ang papeles ng dating lover.

Kaya lang ay ayaw na siyang siputin ng menchu, kahit ilang beses na silang dapat magkita. Hindi umepek ang mga pain niyang dolyares. Star na kasi ang aktor at kept man na ng isang very rich gay.

Malapit nang umalis ng bansa ang lumuluhang baklesh. Tiyak na sa kanyang buong flight ay crayola queen siya.

Executive ng TV5 wala pang nagagawa sa pagtaas ng ratings

Ang inaabangan sa local TV industry, maglabas ng ratings ng kanyang mga sinimulang programa sa TV5 si Wilma Galvante. Kahit saang network siya magpunta, palagi siyang magiging alipin ng mga numero, tulad ng kanyang mga kakumpetensiyang executive sa ibang network.

Kapag wala kasing naipakitang magandang result after a month or two, nanganganib na at medyo kakabahan ka na. Type tuloy naming makita ang pagngiti ng sweet na sweet ni Perci Intalan, kahit palihim lang.

Revillame tahimik ang Pasko

Mahigit isang buwan na lang ay Pasko na. Hanggang ngayon, walang luma­labas na pasabog si Willie Revillame. He is not the type of person na magsasawalang-kibo lang.

Marami pa rin ang mga taong umaasa sa kanya ng ikabubuhay. Napakabait or generous naman niya na pasuwelduhan silang lahat, ng wala namang ginagawa.

Kahit nga ang pagbibigay ng tulong sa mga purita, malaki rin ang kapalit. Ang ma-exploit sila sa TV at maipakita sa publiko ang pagkamatulungin ni Revillame.

More than a week na lang, December na. Inaabangan ng buong industriya ang sorpresang paha­yag ng namamahingang TV character.

Datul at Arida tuloy pa sa fund-raising kahit nakapag-donate na ng tsekeng umabot sa P11M

Nag-donate ng P11 million check sina Miss Supranational Mutya Datul at Miss Universe third runner-up Ariella Arida sa Sagip Kapamilya Foundation for typhoon Yolanda victims.

Magpapatuloy pa sila sa fund-raising activities dahil patuloy na lumalaki ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.

Isa pang beauty with a purpose, si Miss World Megan Young, ang nakakakolekta ng malaking halaga sa New York City.

ARIELLA ARIDA KAHIT MISS SUPRANATIONAL MUTYA DATUL MISS UNIVERSE MISS WORLD MEGAN YOUNG NEW YORK CITY PASKO PERCI INTALAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with