^

Pang Movies

Pagbisita ni Justin Bieber sa Leyte, kuryente

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Katsipan ang balita na naririto sa Pilipinas si Justin Bieber at dinalaw niya ang mga bata sa Leyte na victims ng Super Typhoon Yolanda.

Totoo na may mga bata na binisita at pinasaya si Justin pero sa Guatemala at hindi sa Pilipinas.

Naniwala agad ang Pinoy fans ni Justin sa balita na kuryente dahil walang katotoha­nan pero pinatulan ng isang entertainment website.

Imposible na makaligtas sa mga Pinoy ang presence ni Justin. Kung totoo man na nagpunta siya sa Pilipinas, siguradong putok na putok ang balita dahil sa presence sa Leyte ng foreign media.

Tacloban nasanay na kay Anderson Cooper, dinaraan-daanan lang

Dati nang sikat si Anderson Cooper pero lalo itong sumikat sa mga Pinoy dahil sa mga report niya tungkol sa mga nangyayari sa Tacloban City sa Leyte.

Marami ang mga taga-Metro Manila na gustung-gusto na maki­ta ng personal si Anderson. Kung puwede lang na lumipad sila sa Tacloban City, gagawin nila pero hindi puwede dahil walang hotel na matutuluyan doon.

Sanay na ang mga Taclobanon sa presence ni Anderson at ng mga kasama nito. Kita n’yo naman, dinaraan-daanan lamang nila si Anderson habang nagre-report ito ng live sa CNN. Hindi na big deal sa mga Taclobanon ang presence ni Anderson pero malaki ang kanilang pasasalamat sa award-winning broadcast journalist dahil naiparating nito sa buong mundo ang mga hinaing nila.

Paano na lang kung wala sa Tacloban City si Anderson at ang kanyang fellow CNN reporters?

Ormoc pabalik na sa normal na sitwasyon

In fairness sa mga local journalist, nagpunta sila sa Leyte bago pa man nag-landfall ang Super Typhoon Yolanda noong nakaraang Biyernes.

Ang mga Pinoy TV reporter ang naghatid sa atin ng balita tungkol sa pananalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte.

Hindi ko malilimutan ang pagpunta ni Jessica Soho sa Tacloban City pagkatapos ng malakas at mabagsik na bagyo. Sumakay siya ng helicopter para ipakita sa lahat ang pinsala na dinala ng Yolanda sa Visayas.

Pumunta rin kahapon si Korina Sanchez sa Ormoc City para imbestigahan ang hindi pagbibigay sa mga biktima ng relief goods na nakatago sa city hall. Ibinalita ni Mama Ko­ring na pabalik na sa normal ang sitwasyon sa Ormoc City at dito siya mananatili hanggang bukas.

Dahil hindi gaanong nagpapakita si P-Noy, Gloria Arroyo biglang naalala

Hinahanap ng mga Pinoy si P-Noy dahil si DILG Secretary Mar Roxas lang ang napanood nila kahapon sa CNN.

Baka naman busy si P-Noy sa pagbibigay ng utos mula sa Malacañang Palace para sa rescue and relief operations sa Leyte kaya hindi siya visible.

Nagtataka ang mga Pinoy na biglang na-miss si former President Gloria Macapagal-Arroyo dahil very visible ito sa tuwing may mga kalamidad noong panahon ng kanyang panunungkulan.

Sen. Bong tahimik na tumutulong

Hinahanap din ng mga Pinoy ang mga senador at congressmen na nakakabahala raw ang pananahimik.

In fairness kay Sen. Bong Revilla, Jr., tahimik siya na tumutulong sa mga kababayan natin sa Leyte. Gusto pa nga niya na personal na pumunta sa Tacloban City para makiramay sa mga nasalanta ng Yolanda dahil mag-best friend sila ni Congressman Martin Romualdez.

Hindi nagkulang si Congressman Martin sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Tacloban dahil naghanda kaagad siya ng relief goods. Ewan ko lang kung natuloy na ang pagpapadala ng relief goods sa Leyte dahil umiral ang pulitika. May kuwento ako na hindi puwedeng i-share dahil sa mahigpit na pakiusap ng source ko.

                                               

vuukle comment

ANDERSON COOPER

CITY

DAHIL

LEYTE

PINOY

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with