Kesa intindihin ang hiwalayan kay Jennylyn payo ni Gov. Vilma kay Luis : count your blessings!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - November 14, 2013 - 12:00am

Ang gandang pagmasdan ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano na magkasabay na iniinterbyu ng entertainment press sa presscon ng The Generics Pharmacy na ine-endorso ni Ate Vi.

And since kagagaling nga lang ni Luis sa break-up with Jennylyn Mercado, hindi maiwasang matanong ito sa mag-ina.

Basta say ni Ate Vi, sa mga ganitong pagkakataon, isa lang naman ang lagi niyang tanong sa anak – “Anak, okay ka lang?” Basta narinig na raw niya ang salitang “Mom, I’m okay,” enough na raw sa kanya ‘yun.

“Ang akin lang naman, kung sino talaga ‘yung nagmamahal sa kanya kahit sino pa at ‘yun ang gusto niyang panindigan, doon lang din ako, but when it comes to mga problema niya ng personal, I don’t usually meddle,” she said.

Basta ang payo lang niya lagi sa kanyang panganay, “anak, if it’s meant, it’s meant, pag hindi, then let go, count your blessings.  Ang point ko, even if you will feel the pain, remember that compared to others, blessed ka pa rin.”

Aminado rin ang Star For All Seasons na nalungkot din siya nang mabalitaan ang Luis-Jen break-up dahil naging malapit din daw sa pamilya ang aktres.

“Almost 2 years din sila ni Luis at si Jen naman ay naging malapit sa pamilya. So, but again ‘yung inner problem nila, hindi na natin pwedeng pakialaman. Kung ano sa tingin niya ang makakabuti sa kanila, then so be it,” she said.

Bukod sa presscon for her 2nd TVC ng The Generics Pharmacy, binigyan din si Ate Vi ng birthday surprise ng management ng TGP. The Star for All Seasons turned 60 last November 3 at hindi niya ikinahihiyang senior citizen na siya.

“Mas marami pang edad na dumagdag, mas gusto ko. Ibig sabihin, long life. But at the end of the day, I guess, what’s important is while you grow older, you become more meaningful. You’re life become more meaningful.

“Hindi baleng sinasabing tumatanda ka, at least, ang importante, may pinagkakatandaan ka naman. And I think, ‘yun ang pinakamalaking kayamanan mo na puwede mong ipagmalaki at maiwanan,” she said.

Marian kumita sa Kung Fu kahit hindi box office!

Nagbabalik si Marian Rivera bilang Ginebra San Miguel’s 2014 calendar girl at kahapon ay ginanap na ang launching nito na dinaluhan of course ng actress.

Sa naturang press launch ay ipinakita rin sa entertainment press ang tatlong sexy photos ni Marian na gagamitin sa calendar na ire-release in time for the 180th anniversary ng Ginebra San Miguel.

Sexier, bolder and more daring si Ma­rian sa bagong kalendaryo unlike noong maging unang calendar girl siya way back in 2009 na medyo conservative pa siya ay may mga balabal pa raw siyang pinangko-cover sa katawan. This time, talagang two piece kung two piece na ang kanyang mga pictorial na tiyak na ikaluluwa ng mata ng mga kalalakihan.

Sa one on one interview pagkatapos ng Q and A portion ay napag-usapan ang iba pang mga issues tulad na lamang ng intriga sa boyfriend niya sa pagkakapili bilang NCAA (National Commission for the Culture and the Arts) Youth Ambassador. May mga ilan ka­sing kumukuwestiyon kung bakit daw ang aktor ang napili. Ano ang masasabi ni Marian tungkol dito?

“Hindi ko rin alam kung nasa posisyon ako para sagutin ang mga ‘yan pero nagtitiwala ako na nilagay ang bawat artista o nakaposisyon diyan dahil may kinalaman sila diyan at dahil alam nila na makakatulong.

“At imbes na husgahan natin sila, suportahan na lang natin sila,” she said.

Napag-usapan din ang magkasunod nilang pelikula ni Dingdong Dantes sa Star Cinema. She starred in Kung Fu Divas with AiAi delas Alas habang ang aktor naman ay nagbida sa She’s the One with Bea Alonzo. Ano naman ang reaksiyon niya na mas kumita ang movie ng boyfriend kaysa sa pelikula niya?

“Okay lang, ganu’n talaga ang buhay. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, eh kailangang blockbuster ka. Ang importante eh masaya kami ni Ate AiAi, kami ng mga direktor kung anuman ang income at may mga taga-ibang bansa na gustong kunin ang pelikula namin at aaminin ko na kumita kami, hindi nga lang ganu’n kalaki,” say niya.

ALL SEASONS ATE VI GENERICS PHARMACY GINEBRA SAN MIGUEL KUNG LANG NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with