Vilma maraming dapat ipagpasalamat
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 13, 2013 - 12:00am

Ayaw na nga sana ni Gov. Vilma Santos-Rec­to na magkaroon pa ng birthday celebration. ‘Yung plano niya ay noong isang linggo pa sana. Pero sunud-sunod naman ang hindi magagandang pangyayari. Una, namatay ang kanyang biyenang babae habang nagbabakas­yon sa Cambodia, kaya pati ang bakasyon nila ng kanyang pamilya ay naputol din. Iyon nga sana ang family celebration ng birthday niya.

Pero hindi rin naman tumigil ang mga nagmamahal kay Ate Vi, at sila mismo ang nagpi­lit na dapat siyang magkaroon ng cele­bration kahit na late na. After all, napakarami naman niyang kailangang ipagpasalamat sa mga nangyari sa buhay niya.

Isipin ninyo at her age umaariba pa ang kanyang career hindi lamang bilang isang aktres kundi bilang isang public official din. Bilang aktres, napatunayan niya na hanggang ngayon ay suportado siya ng masa dahil nana­natiling box-office hits ang kanyang mga pelikula. Habang ang pelikula ng kanyang mga kasabayan ay tinatanggihan na ng mga sinehan, aba, nag-aagawan pa rin sila sa mga pelikula ni Ate Vi.

Sa panahong ito na ang approval ratings ng ating gobyerno sa kabuuan ay bu­mabagsak dahil sa mga nang­yayaring cor­ruption, at dahil dismayado ang mga tao sa pagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta ng mga kala­mi­dad, nananati­ling napaka­taas ng approval ratings ni Ate Vi sa kanyang nasasakupan kaya nga napakalakas ng usapan na may isang pulitikong halos pilitin siyang sumama sa kanilang lineup sa susunod na eleksiyon para mai-save ang kanilang sinking ship.

Pero wala pang plano si Ate Vi sa mga bagay na iyan, kahit na nga pinipilit pa rin siya ng mga kababayan niya sa Batangas na huwag iwanan ang public service.   

Higit sa lahat, maganda ang buhay ng kan­­yang pamilya. Maipagmamalaki niya ang kanyang mga anak na parehong may ac­­com­plish­ments na rin naman on their own. Naka­kapag-aral nang mahusay. May nagagawang may katuturan. Hindi kagaya ng iba na walang matinong pamilya.

Marami talagang dapat na ipagpasalamat si Ate Vi kaya ayos lang naman ang celebration na iyon.

 

Cristina kumapit sa haligi kaya nakaligtas sa mataas na alon

Noong kasagsagan ng bagyo, kasama namin si Tita Aster Amoyo na nag-treat sa amin ng bonggang dinner sa kanyang restaurant sa BGC, Taguig City, ang Toki restaurant. Pero habang nagdi-dinner kami, alalang-alala siya dahil tinatawagan daw niya ang dating aktres at ngayon ay konsehal sa Tacloban na si Cristina Gonzales pero hindi iyon sumasagot sa kanyang mga tawag. Natural lang na kabahan siya dahil alam niya na noong araw na iyon ay talagang hinahagupit ng bagyo ang Tacloban at lumakas ang malalaking alon.

Talaga palang disaster dahil ikinuwento nga ni Cristina pagkatapos na maging ang isang bahay na pansamantala nilang nilipatan ay winasak ng ma­taas na alon mula sa dagat at kung hindi nga raw sila nakakapit ng husto sa mga haligi, baka namatay din sila sa pangyayaring iyon.

Talagang malaki ang sinira ng bagyong Yolanda.

 

Aktor nakiamot sa nakolektang groceries para sana sa relief operations ng network, may bitbit na nang umuwi

Nakakahiya naman ang ginagawa ng isang ak­tor. Nag-volunteer siya sa relief operations ng ka­nilang network. Pero nang umuwi siya, may na­kakita na may mga dala siyang groceries na galing doon sa mga donasyon. Ang katuwiran niya, wala raw ka­sing magluluto para sa kanya pagda­ting niya ng bahay dahil maghapon na siya sa ope­rations.

Isipin naman ninyo, sa halip na maibigay iyon sa mga higit na nangangailangan eh inam­bus pa niya. Puwede naman siyang bumili kung iisipin.

ATE VI CRISTINA KANYANG NAMAN NIYA PERO SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with