Aktor, panlagay sa sugat ang ginagamit na lipstick
MASA...RAP - Ernie Pecho (Pang-masa) - November 12, 2013 - 12:00am

Pinagtawanan ang isang item natin, a few months ago, tungkol sa aktor na nagpapahid ng merthiolate (o mercurochrome na kulay pulang gamot sa sugat), para pumula na maging kissable ang kanyang lips.

Sumbat pa ng isang tabloid editor, gawa-gawa lang namin ’yon.

Just one day ago, headline ang aktor sa blind item section ng isang broadsheet! Nag-shooting kasi siya sa isang swimming pool na makapal ang merthiolate sa lips. Pag-ahon niya, ’di namalayan na kumalat ang pulang gamot sa kanyang face at dibdib! Dedma na lang siyang pinahiran ang kumalat na kulay pula.

Alice kabi-kabila ang ka-dinner date na manliligaw para makilatis

Mag-iisang taon pa lang nag-file ng divorce si Alice Dixson sa kanyang Canadian husband, umamin siyang nakikipag-date na. Mga simpleng dinner sa mga suitor niya upang makilala ng husto ang kanyang mga manliligaw.

Sa kanyang status ngayon, hindi na kailangang mag­paalam upang tumanggap siya ng mga challenging role sa TV at pelikula.

Nakilala naman siyang isang sexy actress kaya okay sa kanya ang maging more daring kahit sa mga revealing outfit.

Kahit younger men ang manliligaw kay Alice, nakahanda siyang harapin o makipagrelasyon. Sapat na ang kaalaman niya sa pag-ibig and she can very well handle any kind of affair.

Maria Isabel at Alex Medina pinaghalo ang Espanyol at Bikolano

Higit pang lalawak ang mga regional film sa pagpapalabas ng mga Angustia, na nangyari noong last century ng mga Kastila sa Naga. Kaya ang dialogue ng mga artistang sina Alex Medina, Michelle Smith, at Maria Isabel Lopez ay Bikolano at Espanyol. Kalahok ito sa Cinema One Originals Film Festival.

Sampung pelikula ang lahok sa ongoing Cine­ma One Originals filmfest, hanggang sa Nov. 17, at bi­bigyan ng lifetime achievement award sina Direktor Elwood Perez at Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc.

Interested kaming panoorin ang Saturday Night Chills na bida sina Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, at Joseph Marco.

Inday Barretto dinaramdam ang mga pinagdaraanan, ’di lang gaanong nagsasalita

Narinig mula kay Inday Barretto na daig pa ng malupit na hagupit ng bagyong Yolanda ang nangyayari sa kanyang pamilya ngayon. Ibig sabihin, emotionally battered ang Bar­retto matriarch sa mga ginagawang pang-aaway laban sa kanya ng kanyang mga anak. Sa publiko ay mukhang defiant at matatag siya pero labis pala niyang dinaramdam ang lahat. Hindi lang siya ang hysterical type of a mother, na agad nagwawala at nagsisigaw in public.

Is this enough sign para tigilan na ng mga Barretto clan ang mga paninira sa sariling ina?

Mga anak ni Ruffa nakikipagsagutan na

Kung ano ang ginagawang pakikipagtalo ni Ruffa Gutierrez sa kanyang inang si Annabelle Rama noon, nangyayari na ito ngayong lumalaki na ang kanyang mga anak na sina Venice at Lorin.

Marunong na ring makipagsagutan ang pretty girls with their mom. Puwedeng makita nating lahat  yan sa upcoming It Takes Gutz to be a Guiterrez reality TV special.

Ang pangako ng Gutierrez clan, wala silang ita­tago sa publiko. Mapapanood natin ang lahat ng katotohanan sa big-budget show to be shown next year.

Lahat sila ay magbabakasyon sa Malaysia at Singapore upang doon kunan ang reality show.

ALEX MEDINA ALICE DIXSON ANNABELLE RAMA BIKOLANO INDAY BARRETTO KANYANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with