Mutual ang decision Cristine hindi nahirapan sa break up nila ni Derek, aminado back to normal na uli ang relasyon nila
Jun Nardo (Pang-masa) - November 8, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mutual ang decision nina Cristine Reyes at Derek Ramsay na maghiwalay matapos ang isang buwang relasyon. Nagsama man sila sa biyahe sa Hawaii, naging normal ang pagsasama nila dahil bumalik muli ang kanilang friendship.

“Nag-bonding kami sa Hawaii and everything is back to normal. No regrets. Pero hindi ko naman totally isinasara ang pintuan. May mga unfinished business lang kami na sa amin na lang ‘yon. But definitely, walang third party. So huwag nilang idamay si Ynna Asistio dahil kaibigan ko siya at ang family niya,” paliwanag ni Cristine na humabol sa presscon ng Viva movie niyang When the Love is Gone kahit inaatake siya ng acid reflux.

Ayon pa kay Cristine, walang major na dahilan ng break up. “Walang hulihan na naisusulat ng ibang tao. Walang ganoong eksena. Kasi kung may ganoong eksena, magiging magkaibigan ba kami?” dugtong niya.

Pati nga ex boyfriend niyang si Dennis Trillo nadadawit sa hiwalayan.

“Huh! Bakit?” gulat na sagot ng seksing aktres.

Close pa ba sila ni Dennis?

“Oo matagal na! Kasama ko pa nga siya nu’ng Christmas at New Year eh. I mean, walang malice, huh! Magkaibigan kami. Close kami ng mga kapatid niya! Ganoon din naman ako kay Rayver (Cruz)…” rason niya.

Eh kay Sarah Geronimo?

“Okey din naman kami pag nagkikita kami. Nagbabatian kami,” tugon ni Cristine.

So gone na ba ang love niya kay Dennis? Pati sa iba niyang ex boyfriend?

“Hindi naman. Nandoon pa rin ‘yung pagmamahal! Minahal ko sila pero right now, ang first love ko is masasabi ko ay ang trabaho ko.

“Masarap maging single. Kasi nasa ‘yo lahat ang time mo eh! Dati, gusto ko, may boyfriend. Pero ngayon, gusto ko single. Kasi nagagawa ko ang lahat ng gusto ko. Wala  kang iniintindi. Sarili mo lang! Alam mo ang priorities sa buhay,” paliwanag ni Cristine.

So hindi umentra si Dennis sa kanila ni Derek?

“No, no, no!” tanggi niya.

So ano ang reaksiyon niya sa tsismis na nahirapan daw siya nang magkipag-break kay Derek?

“Nahirapan ako? Hindi! Kasi after ng break, nag-inuman pa kami eh! Alam mo ‘yon. So hindi po,” saad niya.

Hindi ba sila nanghinayang sa relasyon nila?

 â€œHindi kami nanghinayang dahil forever kaming magkaibigan!” diin niya.

Baka naman ayaw niya sa may anak na?

“Hello! Si Dennis, may anak! Kung mahal mo ‘yung tao, ke may anak o wala, mamahalin mo pag mahal mo,” tugon ni Cristine.

Pumasok ba sa isipan niya na mag-live in sila ni Derek?

“Yeah! Nagplano lang. Napag-usapan lang,” sagot ni Cristine.

May posibilidad bang balikan ang mga ex niya?

“Ay, ang hirap! Ang hirap. Ang guguwapo nila! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Cristine.

Kasama nga pala ni Cristine sa When the Love is Gone sina Gabby Concepcion, Jake Cuenca, Alice Dixson, at Andi Eigemann. Mula ito sa direksiyon ni Andoy Ranay at sa November 27 ang showing.

ALAM ALICE DIXSON ANDI EIGEMANN CRISTINE DEREK KAMI KASI NIYA WHEN THE LOVE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with