^

Pang Movies

True love talaga ang isa’t isa controversial couple na dumaan sa matinding intriga, magkasama na naman sa Amerika

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang naniniwala na hiwalay na ang controversial couple dahil kasalukuyan na magkasama sila sa Amerika.

Ang akala pa naman ng lahat, nakakita na ng ibang babae na mamahalin ang mhin na gusto nang ituwid ang mga pagkakamali niya sa buhay.

Ganoon din ang sabi ng girl na nagsabi na magsisimula na siya na makipag-date sa ibang mhin pero mukhang true love talaga ang nararamdaman nila para sa isa’t isa dahil silang dalawa pa rin ang magkasama sa ibang bansa.

Baka mahirapan ang dalawa na maghiwalay dahil masyado nang malalim ang kanilang pinagsamahan. Hindi biro ang mga eskandalo na hinarap nila at nalampasan.

KC at Paulo nagsama na sa Palawan!

Nagsalita na si Paulo Avelino tungkol sa panliligaw niya kay KC Concepcion at inaabangan naman ang pagsasalita ng dalaga.

May mga kuwento na nakita ang dalawa na magkasama sa Palawan pero sila lamang ang makakapagkumpirma kung totoo o hindi ang balita.

Boto kay Paulo ang fans ni KC. Nagustuhan daw nila ang mga sagot ng aktor nang tanungin ito sa isang talk show tungkol sa estado ng relasyon nila ng actress-singer-TV host. Hindi siya katulad ng ibang mga aktor na nagpapakontrobersiyal at paliguy-li­goy ang mga sagot.

 Ngayon lang may babae na na-link kay Paulo pagkatapos ng hiwalayan portion nila ni LJ Reyes.

Ayen hirap sa paglilihi, nag-iba ang hitsura

Twenty-five weeks pregnant na pala si Ayen Laurel sa third baby nila ni Franco Laurel. Hindi ko agad nakilala si Ayen nang makita ko ang kanyang preggy picture dahil malaki ang ipinayat niya.

Obvious na hirap ang singer-actress sa pagbu­buntis dahil ibang-iba ang hitsura niya ngayon. Hindi na siya tumanggap ng mga teleserye dahil hirap siya sa paglilihi.

Ang hula ng kanyang friends, lalaki ang coming soon baby nila ni Franco.

Farm ni LT malaki ang role sa Villa Quintana

Marami ang nagandahan sa location ng pilot episode kahapon ng Villa Quintana. Puwede nang i-reveal na kinunan ang mga eksena ng Villa Quintana sa Vera Grace, ang farm ni Lorna Tolentino sa Cavite.

Magandang-maganda ang farm ni LT dahil alagang-alaga ito. Unang ginamit ang farm sa wedding reception ng panganay na anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Well-maintained ang Vera Grace Farm na ma­laki na ang ipinagbago mula nang puntahan ko. Mas dumami ang mga pananim at class na class ang mga cottage na pahi­ngahan ng mga bisita ni LT na nagbabakasyon sa kanyang farm.

Napapanood nga pala sa Hong Kong ang mga teleserye ng GMA 7 pero one day late. Ngayon pa lamang ipalalabas sa Hong Kong ang mga teleserye na napanood natin kahapon.

Bonggang debut ng Startalk pinaghahandaan ng todo

Nag-meeting na kahapon ang production staff ng Startalk para sa aming 18th anniversary celebration ngayong November.

Malalaki at maiinit na balita ang pasabog ng Startalk kaya hindi ito dapat ma-miss ng mga mahihilig sa intriga at kontrobersiya. Titiyakin namin na magugustuhan ng Startalk loyalists ang aming anniversary show.

                                              

 

AYEN LAUREL

DAHIL

FRANCO LAUREL

HONG KONG

PAULO

STARTALK

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with