Birthday ni Vilma sinabayan ng pagkamatay ng mother-in-law
Jun Nardo (Pang-masa) - November 4, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nabahiran ng lungkot ang 60th birthday celebration ni Gov. Vilma Santos-Recto sa pagkamatay ng mother-in-law niyang si Carmen Gonzales-Recto, ina ng asawang si Sen. Ralph Recto last Nov. 2.

Nasa Japan ang mag-asawang Sen. Ralph at Gov. Vi nang matanggap nila ang malungkot na balita. Nasa Cambodia naman si Mrs. Recto at nagbabakasyon din at doon na binawian ng buhay dahil sa pneumonia/respiratory infection.

Ililipad pabalik ng bansa sa Tuesday ang mga labi ng biyenan ni Gov. Vilma base sa text ni Aida Fandialan na kasama ng Batangas governor sa Japan.

Nakikiramay kami at ang PM kay Gov. Vi at sa mga Recto!

Aktor enjoy na enjoy mag-pictorial na kita ang puwet!

Resident exhibitionist ang tawag ng isang writer sa isang aktor. Never kasi siyang nawala sa mga pictorial ng isang clothing company pagdating sa mga bagong design ng underwear na panlalaki, huh!

Unlike kasi sa ibang modelo na mahiyain pa pagdating sa pagpapakita ng kanyang bukol at puwet, much willing and able ang aktor sa pagbabalandra ng kanyang asset. Kulang na nga lang ay ipakita na ng aktor ang kanyang sandata sa mga pelikulang ginagawa.

’Yun nga lang, pagdating sa binti at hita, kapos ang aktor sa bahaging ito. Hindi rin maayos ang tubo ng kanyang balahibo kaya marahil upang hindi mapansin ang mga ito, ang bukol at katawan ang inaayos niyang mabuti, huh!

Pauleen madaling natatanso

Babaeng natatanso ng mga lalaki ang role ni Pauleen Luna sa bago niyang movie na Gaydar na napabalitang ipalalabas sa short film festival ng Quezon City. Eh mukhang hindi na natuloy ‘yon dahil supposed to be ay last month ang showing ng mga kalahok.

Pero dinig namin, next week na ang showing ng movie at kasama ni Pauleen sa pelikula sina Tom Rodriguez at Rafael Rosell mula sa direksiyon ni Alvin Yapan.

Of course, sa totoong buhay, never na natanso sa lalaki si Pauleen dahil pawang totoong lalaki ang nakarelasyon niya. Ewan lang namin kung may katotohanan ang tsismis sa isa niyang naging boyfriend na verde rin ang dugo, huh!

Anyway, ngayong si Vic Sotto na ang karelasyon ng aktres ay mas magiging mature na siya marahil sa pakikipagrelasyon. At lalo na ngayong balitang marunong humawak ng kinikita ang Eat Bulaga junior host.

AIDA FANDIALAN ALVIN YAPAN CARMEN GONZALES-RECTO EAT BULAGA MRS. RECTO NASA CAMBODIA NASA JAPAN PAULEEN PAULEEN LUNA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with