^

Pang Movies

Gretchen gigil na inilabas ang iba pang baho ng mga magulang, Inday na lang din ang tawag sa ina!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matinding hagupit ang ibinuwelta ni Gretchen Barretto sa kanyang inang si Inday Barretto sa statement na pinadala niya sa editor ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na si Joan Maglipon. Kahit nasa London , England ngayon ang aktres, hindi niya pinalampas ang akusasyon at denials ng kanyang ina.

   Inisa-isa ni Gretchen ang ginawa ng ina nung bata pa siya gaya ng pagbili ng isang lote kung saan ginamit ang diumano’y pera niya nung teenager pa lang siya at nagsisimula nang magkaroon ng pangalan.

   Pati ang pagkakaroon ng prawn farm at lupain sa probinsiya upang ipangalandakan na galing sila sa mayamang angkan, gawa-gawa lang diumano ng ina, huh! Pati nga paggamit ng illegal na bagay kaugnay sa kuryente, ibinisto rin ni Gretchen.

Hindi na nga mommy ang tawag ni Gretchen sa ina kundi simpleng Inday na lang! Umabot na talaga sa puntong labasan na talaga ng mga baho sa publiko ang nangyari sa kanilang mag-ina.

Obviously, kinimkim lahat ni Gretchen ang sama ng loob sa ina. Looks like wala na talagang puwede pang mangyari upang magkabati silang mag-ina.

Dennis hanggang January na lang ang contract sa GMA

Nakatulong kay Popoy Caritativo ang phenomenal na success ng My Husband’s Lover na pinagbidahan ng mga alagang sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez kaya agad siyang naka-recover sa paglayas ni Marian Rivera sa poder niya. Idagdag pa riyan ang presence ni Rafael Rosell na isa rin sa alaga niya ngayon at nabibigyan din ng breaks ng GMA.

Ibinalita niyang sa January ay magtatapos na ang kontrata ni Dennis sa network.

“Mabait naman sa amin ang GMA. I guess wala namang magiging problema roon. Pero nandoon pa rin siyempre ’yung pag-iisip ng mga option para sa talents,” sabi ni Popoy.

Eh papayag ba siya ipareha ang mga male artists niya kay Marian ngayong nagkakaubusan na ng leading men sa GMA?

“Wala pa namang offer na ganyan sa akin,” tugon ng manager.

Kung sakaling magkaroon nga lalo na’t kulang na ang leading man sa network?

“I’ll cross the bridge when I get there,” bitin na pahayag ni Popoy.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

INA

INDAY BARRETTO

JOAN MAGLIPON

MARIAN RIVERA

MY HUSBAND

PATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with