Sports fans ni Phil nanghihinayang na pinakawalan si Angel
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 29, 2013 - 12:00am

Ayaw magbigay ng kahit na anong statement si Phil Younghusband tungkol sa naging hiwalayan nilang dalawa ni Angel Locsin. Si Angel din naman ay walang sinabi bukod sa kanyang ginawang confirmation na split na nga sila sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Ano naman ang aasahan ninyong sasabihin pa ni Phil? Natural lang sa isang lalaki ang manahimik na lamang pagkatapos ng isang relasyon. Gentleman naman ang atleta eh. At sinasabi nga niya na sa ngayon ang iniisip na lamang niya ay ang mga malalaking laban ng Azkals sa susunod na taon. Doon siya naka-focus.

Maging ang mga observer ay nagsasabing mukhang ang naging dahilan lang naman ng kanilang breakup ay ang katotohanang masyado silang busy sa kani-kanilang buhay. Si­guro nga dahil doon ay nagkaroon lamang sila ng miscommunication pero matigas din naman ang statement ni Angel na naniniwala siyang iyon na nga ang “the end.” Meaning, wala nang mangyayari pang reconciliation. May nagsasabi namang sa parte ni Phil ay naroroon pa rin ang panghihinayang na nawala sa kanya si Angel, at marahil ay umaasa pa siyang kung magkakausap sila nang mas mabuti ay maaari pa rin silang magkasundo ng babaeng ilang buwan lamang ang nakararaan ay sinasabi niyang pakakasalan niya.

Ang maliwanag lang ay walang third party involved. Ang isa pang maliwanag ay magkasundo pa rin naman sila kahit na sa kanilang breakup. Kaya nga wala kang marinig na anuman mula sa kanilang dalawa mismo. Pareho pa silang nagpapasalamat sa fans na sumuporta sa kanila at sa kanilang pagkakaroon ng relasyon nang ilang panahon din naman.

Iyon ang isang bagay na tiyak, ang kanilang mga tagahanga ang siyang nanghihinayang na hindi sila nagkatuluyan. Maski na nga iyong ibang sports fans naman talaga, nagsasabing sayang at nakawala pa si Angel kay Phil. Siguro may fans din si Angel na nanghihinayang dahil sa kanyang pakikipaghiwalay kay Phil. Bagay kasi talaga ang dalawa.

Gov. Vilma nagtitiwala na talagang pinag-isipan ni Luis ang desisyon

Tahimik na tahimik din si Gov. Vilma Santos-Recto hanggang ngayon sa nangyaring hiwalayan ng kanyang anak na si Luis at ni Jennylyn Mercado. Kung sabagay, sinabi naman ni Luis na hindi pa nila iyon napag-uusapan ng husto, at saka si Ate Vi naman, hindi siya ang tipo ng nanay na pakialamera lalo na nga’t alam niyang kung anuman ang desisyon ng kanyang anak ay talagang pinag-isipan naman.

Kahit naman sa ibang naging girlfriend ni Luis eh, hindi rin naman nakialam si Ate Vi. Siguro kung nakikita lang niya na may mali at saka siya papasok pero hanggang sa pagbibigay lang din naman iyon ng tamang advice sa kanyang anak. Aware naman kasi si Ate Vi na anuman ang kanyang sabihin, tiyak na magkakaroon iyon ng malakas na impact sa masa. Baka nga sa halip na matigil na ang usapan ay humaba pa. Isa pa masyadong busy si Ate Vi sa kanyang trabaho, lalo na nga’t katatapos lamang ng isang political exercise, baka wala na siyang panahon sa mga bagay na ganyan.

Beteranang aktres na may nakatagong relasyon sa kinse anyos na lalaki takot masampahan ng kaso tulad ni Ka Freddie

Natakot daw ang isang beteranang aktres dahil sa mga usapan at nalaman niyang isinampang kaso laban sa singer na si Freddie Aguilar. Ang bete­ranang aktres na mas matanda pa siguro ng kaunti kay Freddie ay may boyfriend ngayong 15 years old. Iyon talaga ay halos apo na niya, iyon nga lang patago lang naman ang kanilang relasyon.

Mukhang may iba ring girlfriend ang lalaki at pumapatol sa matandang aktres dahil sa alam na ninyong dahilan.

ANGEL LOCSIN ATE VI FREDDIE AGUILAR IYON JENNYLYN MERCADO KANYANG LUIS NAMAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with