Inday Barretto pumalag agad kahit hindi pa diretsong tinutukoy ni Gretchen
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 28, 2013 - 12:00am

Hindi mo masisisi si Gret­chen Barretto kung magbintang man siya na mga kaanak niya mismo ang kanyang mga basher sa kanyang social networking account kasi wala namang ibang nakakaalitan si Gretchen kung hindi ang mga kaanak niya. Kung ano ang sinasabi ng kanyang bashers, openly ay na­ririnig niyang sinasabi ng mga kaanak niyang iyon mismo. Kaya natural lang naman siguro ang nagiging reaksiyon ni Gretchen sa mga nagbibintang ng kung anu-ano laban sa kanya.

Siguro hindi rin naman masisisi si Gretchen kung magbanta siyang kung hindi siya titigilan ay ilalabas na niyang lahat ang iba pang mga lihim na matagal nang itinatago sa mata ng publiko. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na deretsahan niyang sinabi na hindi na rin niya gusto ang kanyang mapang-abusong ina at amang lasenggo na pinagha-hanapbuhay ang kanyang dalawang anak para sa kanilang pamilya. Pero kagaya nga ng sinabi namin, hindi rin naman masisisi si Gretchen dahil una siyang itinakwil ng nanay niya at tinawag pa siyang “evil.”

Ngayon nabaliktad ang sitwasyon, si Inday Barretto na ang nasa depensa at nagpapaliwanag kung ano ang mga nabanggit ni Gretchen, na sa totoo lang naman ay wala pang masyadong detalye, at wala pa namang inaakusahan kung sino. Kung babasahin ang mga inilabas na statement ni Gretchen, wala naman siyang tinukoy kung sino eh. Ang sinasabihan niya ay isang basher, kaya nagtataka rin kami kung bakit pumiyok agad si Inday Barretto at biglang nag-depensa ng kanyang sarili?

Ang pinakamaganda sanang ginawa nila ay nanahimik muna sila, at hinayaan nila si Gretchen na ilabas muna kung ano ang sinasabi niyang pang-aabuso, at iyong iba pa niyang mga akusasyon, at pagkatapos ay saka sila sumagot. Hindi ang ganyan na nawalan ng punto ang sagot nila dahil in the first place hindi pa naman malinaw ang akusasyon.

italian GF pinakagusto ng pamilya ni James

Mukhang masayang-masaya ang buhay ng basketball star na si James Yap kasama ang kanyang girlfriend na si Michaella Cazzola. Simple lang si Michaella at hindi masasabing isang mayamang sosyalera. Isa siyang simpleng empleyado lamang ng ADB pero hindi naman natin maikakailang napakaganda niya kahit na hindi pa mag-ayos.

Pero nilinaw ni James, hindi naman totoo na may balak na silang pakasal sa susunod na taon. Sinabi rin naman ni Michaella na biruan iyon nang sumagot siyang “next year” nang tanungin siya kung kailan sila magpapakasal ng star cager.

May isa pang puntong nakita namin, mukhang tanggap na tanggap ng pamilya ni James si Michaella dahil sinasabi ngang lagi siyang present sa mga okasyon ng pamilya ng kanyang boyfriend. May isa pa ngang insider na nagsabi sa amin, ang Italian GF daw ang pinakagusto ng pamilya ni James sa lahat ng mga naging girlfriend niya. Mukhang this time, hindi pinagbawalan si James ng mga magulang niya sa pakikitungo sa girlfriend niya. Minsan kasi talagang mas alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa kanilang anak eh.

Aktres na ikinuha ng isang kuwarto sa nirentahang bahay ng TV production biglang nawalan ng mamahaling figurine at pabango

Ang tindi naman ng narinig namin. Nag-taping daw ng isang TV series ang isang aktres at ang location ay isang malaking bahay. Nakiusap daw ang production sa owner ng bahay na pahiramin naman ng isang room ang kanilang leading lady na mataray. Payag naman ang may-ari ng house. Pero nang makaalis sila pagkatapos ng taping, nalaman ng may-ari na may nawalang mamahaling figurine at isang bote ng mamahaling pabango sa loob mismo sa room na ginamit na dressing room at pahingahan ng leading lady.

Ang sabi na lang daw ng house owner ay ayaw na niyang maulit iyon at hindi na makakaulit ang production na gamitin pa ang bahay niya. Ang problema ngayon, mayroon pa palang continuity at kailangan pa nila ang location. Patay sila ngayon.

GRETCHEN INDAY BARRETTO ISANG KANYANG KUNG MICHAELLA NAMAN NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with