Luis pinairal ang pagiging gentleman
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 25, 2013 - 12:00am

Marami ang nagsasabi, mukha raw hindi affected na masyado si Luis Manzano sa naging break up nila ni Jennylyn Mercado, lalo na nga sa isang TV interview na kung saan niya sinabi na alam nila kapwa kung ano ang dahilan ng split at malabo na nga silang mag-reconcile.

Bakit ano ba ang ina­asahan ninyo sa isang la­­la­ki, iiyak o mag­la­la­sing dahil sa isang babae la­mang? Hindi naman normal iyon. Hindi kasi ganoon ka-emotional talaga ang isang lalaki. Maaaring sumama rin ang loob niyan, at mal­ungkot din naman pero hindi normal sa isang lalaki ang ipinapakita pa sa publiko ang ganoon.

At least si Luis inamin lang na split na nga sila para matapos na kung ano man ang ispekulasyon, pero hanggang doon na lamang ang sinabi niya dahil naniniwala siyang ang love life naman ng isang artista ay wala namang kinalaman talaga sa kanilang propesyon, ibig sabihin iyon ang isang bahagi ng kanilang buhay na pribado naman.

May ibang taong gustong ipakita ang kanilang kalungkutan. May iba pa nga na nagkaroon pa ng sariling documentation noon kagaya nang ginawa ni Mo Twister noong mag-split sila ni Rhian Ramos, na kung saan may ipinakalat pa siyang video na umiiyak siya at ipinagtapat na may ginawa si Rhian na hindi niya gusto. Pero karamihan sa mga tunay na lalaki, nananahimik na lamang.

Maganda naman sa isang lalaki, at masasabing mas gentleman tingnan kung hindi na lang siya magsasalita lalo na at tungkol sa isang babae na nakarelasyon niya.

Pero naniniwala kami na iyang si Luis, hindi naman iyan makikipag-split nang ganoon na lamang kay Jennylyn kung inaakala niyang maaari silang mag-compromise sa naging problema.

Mo Twister ayaw tumigil sa pakikisawsaw

Nabanggit na rin lang iyang si Mohan Gumatay, alyas DJ Mo, lumayas na iyan sa Pilipinas ha, dahil tinakasan niya ang demanda laban sa kanya ng dati niyang girlfriend na si Rhian matapos na maglabas ng video na umiiyak siya at may sinasabi siyang mga kasiraan ni Rhian, na sinundan pa niya ng vi­deo kung saan sila naghahalikan. Hanggang ngayon ayaw pa ring tumahimik.

Nagkaroon na rin siya ng problema sa kanyang radio program dahil sa kung anu-anong sinasabi niya, hindi pa rin nagbago.

Ngayon ang kinakalaban naman niya ay ang Binibining Pilipinas Universe na si Ariella Arida. Ang sinabi lang naman noong babae ay simple.

Tinanong siya sa sinasabing hindi siya maga­ling magsalita ng Ingles. Ang sagot naman niya, at least kahit na papaano nakakapagsalita siya ng Ingles.

May iba nga riyan na hindi talaga makaintindi at makapagsalita ng Ingles. Tama naman iyon. Hindi nga ba kailangan nila ng interpreter? Eh ano naman ang masama sa sinabi niya eh totoo naman iyon.

In fact maaari siyang magsalita ng Tagalog at humingi rin ng interpreter kung sakali.

Aywan naman kung bakit biglang nag-react iyang si Mohan Gumatay. Hindi naman siya Latino, taga-Valenzuela iyan noong araw eh. Sumikat lang naman iyan noong ma-link at magkaroon iyan ng anak kay Bunny Paras, tapos ba noon ano pa?

Dapat iyang si Gumatay manahimik na muna, at supalpalin ang mga sinasabi.

 

 

ISANG KUNG MO TWISTER MOHAN GUMATAY NAMAN NIYA RHIAN SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with