Lilia Cuntapay lagi na lang napagkakamalang aswang

(Pang-masa) - October 24, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Oktubre 26), isang kuwentong kapupulutan ng aral ang ihahatid ng One Day Isang Araw tampok ang veteran horror actress na si Lilia Cuntapay sa Halloween episode na pinamagatang  Ang Kuba ng Kalye Trese.

Laging nakaitim na damit, namumula ang mga mata, ayaw sa bawang at asin, may alagang baboy na itim at nakakatakot ang itsura ng matandang kubang si Aling Magda. Dahil dito, pinaghihinalaan tuloy siya ng marami na isang aswang!

Isang gabi, nawala ang aso ni Danny na si Casper. Sa bisperas ng Undas, sama-samang hahanapin ng magkakaibigan ang nawawalang aso at matutuklasan nila ang isang mahalagang katotohanan sa pagkatao ni Aling Magda.

Mula sa direksyon ni Rico Gutierrez, alamin ang buong kuwento sa One Day, Isang Araw kasama sina Jillian Ward, Milkah Wyne Nacion, Marc Justine Alvarez, at Joshua Uy ngayong Sabado, October 26, 6:00 pm sa GMA 7.

ALING MAGDA ANG KUBA ISANG ARAW JILLIAN WARD JOSHUA UY KALYE TRESE LILIA CUNTAPAY MARC JUSTINE ALVAREZ MILKAH WYNE NACION NGAYONG SABADO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with