^

Pop Princess ayaw nang sumandal sa lalaki para lang makapag-promote

MASA...RAP - Ernie Pecho (Pang-masa) - October 19, 2013 - 12:00am

Kinorner at kinulit-kulit si Sarah Geronimo ng mga mausisang reporter noong presscon ng kanyang 10th anniversary Perfect 10 live concert sa Smart Araneta Coliseum on Nov. 15 at sa Mall of Asia Arena on Nov. 30 pero pawang mga paumanhin at pahiwatig ang naging sagot niya.

Unang dahilan kung bakit matatag ang kanyang pagtanggi: ‘‘Ayokong magdepende sa isang lalaki para mag-promote ng concert ko. Noong mga nakaraang panahon, naging open book ang buong buhay ko. This time, please allow me to keep it private.’’

Isa pang rason na bigay ni Sarah G. sa kanyang pagtanggi na magsalita kung talagang sealed with a kiss na ang relasyon nila ng kanyang current love, gusto niyang ma-focus ang attention ng mga tao sa kalidad ng kanyang boses at sariling istilo ng pagkanta. Sa Perfect 10 show, mabibigyan ng kaukulang importansiya ang kanyang talento.

‘‘Ang aking anniversary show ay malayo sa the usual song-and-dance routine. We have tried our best to give the audience an entirely different kind of entertainment,” sabi ni Sarah.

Siya pa lamang ang artist na magtatanghal sa magkalabang venue ng isang parehong live concert on the same month and year. Buti’t pumayag ang Big Dome, na laging gusto ay exclusive sa kanila ang mga major concert.

Kung saan nanggaling ang mga pagtukoy kay Matteo Gui­dicelli sa mga write up tungkol sa Perfect 10, tiyak na pawang mga ESP at ilusyon lang ng mga manunulat na sabik na sa isang tunay na romansa para kay Sarah.

Pati ang kanyang ina na si Mommy Divine ay ayaw magbukas ng bibig that presscon. Pawang makahulugang ngiti ang sagot at tila gusto nang tumili ng walang sound.

Sa pahiwatig naman ni Sarah G., inamin niyang maayos at masaya ang takbo ng lahat ng aspeto ng kanyang buhay, lalo na ang kanyang career. Gusto niyang gumawa ng another movie with her favorite leading man, John Lloyd Cruz.

Tiyak na hindi pa matutuloy ang nabinbing teledrama na isasabay sana sa kanyang mentor-judge role sa first The Voice of the Philippines.

‘‘Mahirap na trabaho ang maging coach at judge kaya nakiusap ako na huwag munang isabay ang teleserye. Gusto kong mag-concentrate sa role ko sa The Voice of the Philippines,” sabi pa niya.

Maraming nasiyahan at pumuri kay Sarah sa nasabing singing contest. Pati siya ay maligaya sa big challenge at nakaya niyang gawin ang lahat ng big demands ng show. Kaya sa second Voice of the Philippines, isa sa mga mentor/judge uli ang singer/actress/TV host.

Sexy starlet kuntento sa once a week na rasyon ng ligaya ng young actor na may GF

Alam na ng sexy starlet na may steady girlfriend ang kanyang weekly bed partner na young actor. Hindi niya mapakawalan ito dahil super galing sa kama ang once a week na nagrarasyon sa kanya ng ligaya.

Sobrang happiness ang secret pair sa kanilang weekly tryst at hindi na humihiling pa ang sexy. Buti nga ang aktor ay babae rin ang sideline at hindi mayamang beki tulad ng kanyang mga kapwa young star.

Bea napapabayaan na ang relasyon kay Zanjoe

Ang reported first day gross ng She’s the One nina Dingdong Dantes at Bea Alonzo ay P13 million!

Higit na magiging in demand at busy ang aktres, sa malaking tagumpay ng kanyang current starrer. Hindi naman siya worried kahit napapabayaan niya ang relasyon nila ni Zanjoe Marudo. Secure ang mag-partner sa kanilang affair kaya alam nilang da­lawa na hindi magiging dahilan ng kanilang paghihiwalay ang pagiging labis na abala sa kanya-kanyang trabaho.

Direk Brillante aligaga sa kumpetisyon ng mga obra sa ibang bansa

Nasa Hawaii si Director Brillante Mendoza dahil kalahok sa international filmfest doon ang Thy Womb.

Babalik agad siya sa bansa on Monday upang harapin ang playdate rito ng kanyang bagong pelikulang Sapi, na kasali rin sa competition proper ng ibang worldwide film festival.

BEA ALONZO BIG DOME BUTI DINGDONG DANTES DIRECTOR BRILLANTE MENDOZA KANYANG SARAH G VOICE OF THE PHILIPPINES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with