_pang-masa
^

Mara at Alex seryosohan na ang ligawan

(Pang-masa) - October 10, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bida ang mga award-winning indie film artists na sina Mara Lopez at Alex Medina ngayong Sabado sa pinakabagong kuwento ng tunay na pag-ibig sa Wagas.

At mula sa direksyon ng multi-awarded screenwriter/director na si Adolf Alix, Jr, handog ng Wagas ang kuwento ng Paraiso na nagsimula sa simpleng bangayan na nauwi sa tunay na pag-iibigan

Debosyon sa trabaho ang naging susi para magtagpo sa isang lugar malapit sa karagatan ang marine biologist na si Glee at ang on-duty na sundalong si Astro. Naging pangit ang pakitungo nila sa isa’t-isa sa una nilang pagkikita ngunit gustuhin man nila’y hindi nila naiwasang magkaroon pa rin ng ugnayan dahil iilan lamang sila sa tagong paraisong ito. Ang munting pakikisalamuha, humantong sa pagiging magkaibigan na kalaunan ay nauwi sa espesyal na pagtitinginan.

Hindi man nagsimula sa tinatawag na “love at first sight” ang kanilang kuwento, subalit wagas at tunay ang kanilang pag-iibigan.  Tunghayan ang Paraiso sa Wagas ngayong Sabado, October 12, 7 p.m. sa GMA News TV.

ADOLF ALIX ALEX MEDINA ASTRO BIDA DEBOSYON MARA LOPEZ PARAISO SABADO TUNGHAYAN WAGAS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with