Angel hindi naagawan ng bato!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 8, 2013 - 12:00am

So, it’s final, si Angel Locsin na pala ang gagawa ng Darna movie para sa Star Cinema at baka nga raw next year na maipapalabas ito. Ho­nestly, kahit na kailan pa ipalabas iyon, hihintayin namin kung si Angel nga ang Darna.

Sa ngayon, sino naman kasi ang bagay na palabasing Darna maliban kay Angel? May maniniwala ba kung ang lalabas na Darna ay matanda na at bansot pa? Anong klase namang superhero ang gano’n? Kaya sa totoo lang, ewan kung maide-deny nila, kahit na sa TV lamang lumabas ang unang Darna ni Angel, aba, napakataas ng ratings. Parang iyon lang yata ang teleserye na maski na kami ay pinanood namin.

Nakasanayan na kasi natin na ang lumalabas na Darna ay laging maganda, sexy, at bata pa. Mara­ming naging Darna sa kani-kanilang panahon pero ang unang inabot naming lumabas na Darna ay si Gina Pareño. Aba, kung nakita ninyo si Gina noong panahong iyon, ang ganda talaga niya at hanep ang katawan.

’Tapos ang maraming Darna movies na napanood namin, ang star ay si Vilma Santos, na nagsimula sa Lipad, Darna, Lipad. Iniba ang title dahil ang sinundang pelikula na Takbo, Vilma, Dali ay naging isang napakalaking hit din noong panahong iyon. Aba, isipin ninyo, noong panahong iyon ay nakakagawa ng isang pelikulang black and white sa halagang P120,000 lamang. Eh kinse pesos lang ang sine noon. Ang Darna ni Vilma kumita ng tatlung daang libong piso sa Metro Manila pa lamang at kakaunti pa ang sinehan noon ha. At kung titingnan naman ninyo si Vilma nung nag-uumpisa — maganda, sexy, at maputi. Kung negra ka, ano ang hitsura mo kung magsusuot ka ng costume ni Darna? Baka mapagkamalan ka pang lumilipad na tuko?

Pagkatapos ni Vilma, marami ring naging ibang Darna, pero honestly ni hindi na namin napanood ang mga pelikula. Hindi dahil nagsawa kami sa Darna movies ha. In fact, hanggang ngayon mahilig pa rin kami sa super heroes. Nanonood nga kami ng anime eh. Pero hindi namin nagustuhan ang iba. Nabalik lang ulit ang interest namin kay Darna noong ang lumalabas na ay si Angel.

Gretchen sinigurado na si Claudine

 ang naninira sa kanila gamit ang iba-ibang alias sa social media 

Deretsahang sinabi ni Gretchen Barretto na naniniwala           siyang ang basher niya sa isang social networking site ay walang iba kundi ang kapatid din niyang si Claudine Barretto na gumagamit lamang ng iba-ibang alias. Aba, trabaho talaga ng mga walang magawa ang gumawa ng maraming account sa mga social networking site eh. Wala nga kasi silang magawa.

Matapos naming marinig ang sinabi ng mga testigo na nagawa nga ni Claudine na hampasin ng bakal ang kotseng Porsche ni Raymart Santiago, palagay kaya ninyo hindi pa kami maniniwalang puwede ngang namba-bash din siya sa Internet?

Sasabihin na naman nila “evil” talaga si Gret­chen. Tumigil na nga kayo. Nakakainis na!

Aging actress nagsawa na sa mga bagets, mga trenta pataas na ang hinahabul-habol

Bilib din naman kami sa isang aging actress. Ang hinahabol naman pala niya ngayon ay isang poging celebrity na hindi na rin naman bagets.

Natatandaan namin na may nagsabi rin sa amin na sinusundan-sundan din ang isang poging male model na mukhang bagets pero ang totoo ay over 30 na rin naman.

Mukhang mga ganun na ang type nga­­yon ng a­ging actress. Noon kasi puro bagets ang hinahanap niya para maka-date.

ANG DARNA ANGEL LOCSIN CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO DARNA GINA PARE GRETCHEN BARRETTO VILMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with