_pang-masa
^

Pang Movies

Sam bawal banggitin ni Jessy?!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Totoo kaya na bawal mabanggit ang name ni Sam Milby sa mga guest interview ni Jessy Mendiola dahil ang ibinibenta ay ang tandem ng aktres kay Jake Cuenca para sa palabas nilang Maria Mercedes.

Tumanggi man si Jessy sa mga tanong tungkol sa singer-actor na Fil-Am ay iba ang sinasabi ng kanyang mga mata kapag nababanggit ang pangalan ni Sam.

Ang long talaga ng hair ni Jessy dahil hindi pa sumusuko si Jake sa kanyang panliligaw. Mas lamang pa nga kay Sam dahil kasama niya ang actress sa trabaho kaya mas maraming oras ang bonding nila.

Balita pa ni Jason Abalos, na kasama rin sa Maria Mercedes, mismong ang daddy ni Jake ang nag-abot kay Jessy ng paella. Pinaglaruan pa ni Vice Ganda ang kuwento sa Gandang Gabi Vice last week.

Paano kaya bumabawi si Sam kay Jessy.

Sharon tumatanda sa suot na eyeglasses

Dapat mag-contact lenses na lang si Sharon Cuneta dahil nagmumukha siyang matanda kapag ginagamit niya ang kanyang eyeglasses sa mga ipinapakita sa kanyang tawa serye na Madam Chairman ng TV5. Malakas kasi makatanda ng tingin sa kanya ang napiling salamin sa mata at hindi pa bagay kay Mega kahit puwede na siyang maging lola. Nakakapanibago lang kasing tingnan at hindi ito nakasanayan ng kanyang fans kapag napapanood siya sa TV o pelikula. Puwede rin namang gumamit si Sharon ng ibang eyeglasses na magmumukha siyang younger.

Tulad ng eyeglasses ni Gov. Vilma Santos-Recto na younger looking pa rin ang tingin sa kanya kahit candidate na siya sa pagka-senior citizen.

Bea banned sa ‘Maynila’ ni Jake?

Itatampok pala si Jake Vargas ng isang buwan sa Maynila ng GMA 7. Nauna na siyang naging guest ni Julie Anne San Jose sa isa sa series nito nang siya ang mai-feature sa Maynila.

Ang tanong ay kung pumayag kayang i-guest din ni Jake ang kanyang ex-girlfriend na si Bea Binene sa isa sa mga episode niya sa Maynila dahil ang young actress pa rin ang official na ka-love team sa Kapuso Network? Hindi pa naman sila nagpapansinan kahit magkasama sila sa trabaho at kahit ang anino nila ay hindi puwedeng magdikit.

Pumayag din kaya si German Moreno na pakantahin si Bea sa Walang Tulugan with Master Showman para i-promote ang duet single ng talent din ng late-night show na si Ken Chan? Ang title pa naman ng kanta mula sa PolyEast Records nina Bea at Ken ay Bakit Ngayon Ka Lang. Baka masaring si Jake.

Pero baka sa Sunday All Stars ay makalusot ang duet nila ni Ken.

 

BAKIT NGAYON KA LANG BEA BEA BINENE GANDANG GABI VICE GERMAN MORENO JAKE JAKE CUENCA JESSY MARIA MERCEDES MAYNILA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with