_pang-masa
^

Pang Movies

Wally kailangan na uling magtrabaho para sa anak na may cancer

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Mukhang suspended indefinitely si Wally Bayola sa Eat Bulaga at Celebrity Bluff dahil hanggang ngayon, wala pang signal para umapir dito. Nagpaparamdam na nga ang misis niyang si Rizza na kahit sa Celebrity Bluff man lang ay ibalik siya.

Pero parang walang narinig ang mga kaibigan niya. Ang sabi raw kasi ng head ng executive department, hindi pa nila ito madesisyunan lalo na ngayong ayaw daw ng mga advertiser sa singer-comedian. Gusto muna ng mga taga-EB na mamatay na muna ang isyu, as in makalimutan ng madla, bago ibalik si Wally.

Paano kaya ang anak niya na may cancer? Jobless ang pobre ngayon at kahit sa comedy bar ay hindi siya mabigyan ng pagkakakitaang show. Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin siya iniwan ng kanyang misis kahit kulang na kulang sila ngayon sa pananalapi.

Raymond puwede kahit saang network

Nagsimula na ang Showbiz Police na talk show ng Channel 5 na kabilang ang mga host na sina Cristy Fermin at Raymond Gutierrez. Misteryo pa rin sa amin ang paglipat ni Raymond sa Singko. 

 Pero sabi naman ng handler niya, freelancer na ang kategorya ni Raymond ngayon kaya kahit saang network siya magpunta ay okay lang.

Mara wala keber sa paghuhubad at pakikipaglaplapan

  Excited si Mara Lopez dahil may gala night siya sa New Resorts World ngayong  Sept. 21, na Ang Kuwento ni Mabuti dahil co-star siya ni Nora Aunor. 

“Gustung-gusto ko talagang makasama sa pelikula si Miss Nora Aunor dahil maliit pa ako hanga na ako sa kanya,” bulalas ni Mara.

Sa loob lang ng two years, successful na agad si Mara. Dinaig pa niya ang nanay niyang si Maria Isabel Lopez. Nag-best actress na siya sa Cinema One. Hindi rin siya namimili ng lalaking makaka-eksena sa kama, mas type niya ang gaya ni Paulo Avelino. At wala siyang keber, maghubad man o makipaglaplapan, sa murang edad!                    

 

ANG KUWENTO CELEBRITY BLUFF CINEMA ONE CRISTY FERMIN EAT BULAGA MARA LOPEZ PERO RAYMOND SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with