Dingdong marami pang gagawin, hindi pa kasali ang kasal kay Marian
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 16, 2013 - 12:00am

After mag-sign ng kanyang exclusive five-year contract ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes held at the McKinley Room ng Manila Polo Club, Makati City ngumiti lamang nang tanungin kung siya na ang highest-paid actor ng GMA Network. Nagsimula na ba iyon sa bago niyang drama series na Genesis? Tinanong din namin si Dingdong kung ano ang naramdaman niya after niyang pumirma uli ng contract.

“Marami po akong naramdaman. Overwhelmed ako, nakaka-emo, dahil noon pang August natapos ang kontrata ko sa kanila. Yes, nag-isip-isip pa rin muna kami ng manager ko, pero iyon pa rin, I’m proud to be a Kapuso. Last night (Friday), magkasama kaming nag-dinner ni Yan (Marian Rivera) dahil gusto kong ikuwento sa kanya how I feel at sabi ko sa kanya, parang bago ulit akong ipinanganak.”

May nagtanong pa rin kay Dingdong kung kailan ba sila talaga magpapakasal ni Marian, sagot niya, everything happens naman in the right time at hindi pa ngayon ang right time. Marami pa silang gagawin ni Marian at isa rito ay ang mag-produce sila ng isang movie, siguro raw by next year. Kailan naman magsasama ang Primetime King at Queen? Malamang daw ay next year din.

Nai-post ni Dingdong sa Twitter ang suot niyang Tom Ford tie na last year pa raw niya binili na inihanda niya para sa importanteng araw na iyon. Suot ni Dingdong ang IWC watch na birthday gift sa kanya ni Marian. I-Google na lang kung magkano iyon.

Jasmine, happy sa TV5 at walang balak sumunod kay Anne

Ayaw pang umamin si Jasmine Curtis-Smith na boyfriend na niya si Sam Concepcion. Hindi raw ba puwedeng nanliligaw pa lamang? Pero manonood siya sa pagrampa ni Sam sa Cosmo Bash sa Sept. 24 dahil inimbita siya nito. Pinagsasabay ni Jasmine ang showbiz at studies niya kaya happy siya na sa first indie film niyang Transit, nanalo siyang best supporting actress. Kaya sa bago niyang indie film na Puti, directed by Mike Alcazaren, palagay ba niya ay mananalo na siyang best actress to think na isa sa makakalaban niya ay ang Superstar, si Nora Aunor? Hindi raw dahil supporting ulit siya sa isa sa entry sa CineFilipino Festival ng PLDT-Smart Foundation, MediaQuest, Studio 5, at Unitel Entertainment. Magsisimula nang mapanood ang walong feature films at sampung short films simula sa Sept. 18 sa Newport Cinemas ng Resorts World, Lucky Chinatown Mall at Gateway Cineplex as partner venues.

Sa November ay matatapos na ang contract ni Jasmine sa TV5, lilipat ba siya sa ABS-CBN kung sasabihin ng sister niyang si Anne? Ang sagot niya ay hindi. Magri-renew siya ng contract sa TV5 dahil happy siya sa mga allowance na ibinibigay sa kanya in terms of time with school (communication arts sa Ateneo University) at projects niya.

ATENEO UNIVERSITY COSMO BASH DINGDONG DANTES GATEWAY CINEPLEX JASMINE CURTIS-SMITH KAPUSO PRIMETIME KING LUCKY CHINATOWN MALL NIYA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with