^

Ogie tinambakan ng trabaho, pending pa ang itatayong music company ng TV5

MASA...RAP - Ernie Pecho (Pang-masa) - September 16, 2013 - 12:00am

Ibabalik sa ere ang Tropang Trumpo kaya lang wala na sa magiging revived show si Michael V. Magkahiwalay na kasi ng network sina Ogie Alcasid at ang dating kasama niya sa Bubble Gang.

Sa rami ng mga gagawing palabas ni Ogie sa TV5, may time pa kaya siya upang mag-manage ng itatayong music company ng Kapatid Network?

Singer na berde ang dugo nag-request ng lalaki sa bar, idinaan sa waiter

Nabalitaan ng isang singer na ayaw pabuking na bading (kahit ang kapa ay sayad na sa lupa at natatapakan na) ang isang gay bar sa abroad frequented by macho-gay foreigners. Dahil nasa ibang bansa, ang akala niya ay puwede siyang maglandi ng husto at makahagip ng mga apam.

Nakita agad niya ang isang mukhang artistang pogi sa bar. Nag-request siya sa waiter na kumbidahin sa kanyang table ang natipuhan. Nakalayo na ang nasabihan niya ng mapansing mukhang Pinoy.

Sandali lang ay bumalik na ang waiter at kasama ang foreign guest. Bago umalis, binigyan niya ng tip ang inutusan. Nagpasalamat ang waiter sa wikang Pinoy at sinabi pa sa kanya “Ikaw ang favorite singer ko.”

Aga suko na sa pulitika

Sa statement ni Aga Muhlach na babalik lang siya sa pulitika kapag malinis na ang larangang ito, daig pa ang sumuko agad siya, na nakataas pa ang kamay, “Never again.”

Bukod kasi sa sobrang pagod kumampanya, malaki rin ang gastos kapag kandidato. Madalas ang mga nagwawagi, kung sino ang higit na maraming pera.

Direk Brillante kabilang sa mga hurado ng int’l directors

Kabilang sa jury si Director Brillante Mendoza sa Eurasian International Film Festival in Almat, Kazakhstan, Sept. 16 to 21. Kasama niya sa mga hurado sa competition ang Oscar awardee na si Jane Campion (chairman), David Franzoni, Spanish producer Luis Minarro, at ang Kazakhstan director na si Emir Baasin.

Tiyak na may lahok ang ating bansa sa worldwide filmfest sa dating Russian state.

Cherie ipinagpoprodyus ng dating asawa kahit limang taon nang magkahiwalay

Kahit limang taon ng hiwalay si Cherie Gil sa kanyang former husband, ang leading worldwide concert violinist na si Rony Rogoff, nagbigay pa ang Israel-born musician ng puhunan para sa pelikulang Sonata directed by Peque Gallaga and Lore Reyes. Lahok ito sa Sineng Pambansa: All Masters Edition filmfest.

Dalawa ang anak ni Cherie kay Rogoff, sina Stephanie, 18, at Rafael, 16. Hanggang ngayon magkasundo ang dating mag-asawa at tuloy ang suporta para sa kanilang mga anak.

Ang susunod na pelikulang ipo-produce ng ak­tres ay magtatampok sa kanyang brother na si Mark Gil with his son Sid Lucero. Sana kasama rin ang kanilang mama na si Rosemarie Gil upang mapanood nating muli ang aktres.

GF ng leading Man mahigpit magbantay

Laging hindi mapakali sa taping ng bagong show ang isang aktres. Nakabantay kasi palagi sa set ang girlfriend ng kanyang leading man. Feeling yata ng mahusay na guwardiya, aahasin ng leading lady ang kanyang current lover.

Naibulong ng alalay ng naiistorbong aktres, “Never naman siya naging type ng aking boss.” Ang gusto ng alalay ma-ban sa set ang unwelcomed guest nila every taping.

Richard at Tom wini-wish pagsamahin sa pelikula

Hiling ng isang tagahanga, pagsamahin sa isang pelikula sina Richard Yap at Tom Rodriguez with their own leading ladies.

Ayaw pumayag ng fan na isang istoryang bading ang gawin ng dalawa, type niya ang isang romantic drama tampok ang dalawang pareha. Posible naman kung may producer na sapat o sobra ang puhunan.

AGA MUHLACH ALL MASTERS EDITION BUBBLE GANG CHERIE GIL DAVID FRANZONI DIRECTOR BRILLANTE MENDOZA ISANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with