^

Duet nina Lea Salonga at Patti Austin naging pasabog

(Pang-masa) - September 11, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng maraming Pinoy ang pasabog ng The Voice of the Philippines nang mag-perform ang coach na si Lea Salonga kasama ang American Grammy-winning jazz artist na si Patti Austin sa live show nito noong Linggo (Sept. 8), na siyang ikinagulat din ng live audience at netizens sa Twitter at Facebook.

Kasama ang The Voice PH artists, inawit ni Lea ang hit ng international star na I Believe bago niya ito tawagin sa stage, saka nila sabay na kinanta ang In My Life. Marami sa mga netizen ang nagpahayag na talagang world-class daw ang performance, at naantig sa sinabi ni Austin na ang pinakamagagaling daw na singers sa buong mundo ay mula sa Pilipinas.

Talaga namang mainit na pinag-usapan ang nasabing duet kung kaya’t naging trending topic ang hashtag na #LeaPattiHeartAndSoulOnTheVoicePH sa Twitter sa buong mundo.

Pakatutukan ang The Voice of the Philippines tuwing Sabado, 9:00 p.m., at Linggo, 8:15 p.m., sa ABS-CBN. Mag-log on sa www.thevoice.abs-cbn.com para sa pinaka-sariwang news at updates sa programa at para sa eks­klusibong profiles at performance videos ng artists.

AMERICAN GRAMMY FACEBOOK I BELIEVE IKINATUWA IN MY LIFE LEA SALONGA LINGGO PATTI AUSTIN VOICE OF THE PHILIPPINES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with