Matapos ma-dengue at tamaan ng pneumonia Ryan hinihingal pa rin, hindi pa makabalik sa trabaho

- Vinia Vivar (Pang-masa) - September 11, 2013 - 12:00am

Looking very good na si Ryan Agoncillo nang dumalo sa gala showing ng indie film niyang Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap na ginanap last Monday night.

As we all know, kagagaling lang sa sakit ni Ryan at dala­wa pa – dengue and pneumonia. Pero kantyaw nga namin sa kanya, parang hindi naman siya nagkasakit dahil super fresh ang hitsura niya. Pumayat siya ng kaunti pero parang bumata pa nga.

Pero aniya, nang makatsikahan namin before the screening started, hindi pa masasabing 100% na siyang magaling.

“Medyo mabagal pa ring gumalaw. The platelets are normal. Ang nakahirap din kasi, nagkaroon ako ng pneumonia, kaya hindi pa rin ako makabalik sa Eat Bulaga kasi medyo hinihingal pa rin akong magsalita.

“So far, so good. Nakakaano na, nakabalik na akong magbisikleta ng konti,” he said.

Pero hopefully, sa Monday ay mabigyan na siya ng clearance ng kanyang doctor para makapag-report na sa noontime show.

Matatandaan ding hindi natuloy ang bakasyon nila ng asawang si Judy Ann Santos kasama ang kanilang mga anak dahil sa pagkakasakit niya. Binalak kasi nilang magbakasyon pagkatapos ng kani-kanilang shows na Huwag ka lang Mawawala (for Juday) at Talentadong Pinoy (for Ryan).

Pero aniya ay itutuloy pa rin nila ’yun.

“ Hopefully, we’ll get bookings by the end of September kasi ’yung gusto naming puntahan medyo mahirap i-book. Dito lang naman sa Pilipinas,” dagdag ni Ryan.

Dahil din sa pagkakasakit niya ay hindi pa rin nila nase-settle ng manager na si Noel Ferrer kung saan ba siya talaga pipirma ng bagong kontrata.

 â€œBut I think, this week, we’re meeting up with our bosses, either from GMA or TV5 or ABS-CBN, hindi ko pa alam eh. Pero may meeting na naka-line up. Ngayon lang talaga ako nakalabas ng bahay eh. So, we will find out within the next few days,” pahayag ni Ryan.

So, ibig bang sabihin nito, ’yung tatlong networks ay may mga offer sa kanya?

 â€œI know for sure, GMA 7 has an offer. TV5 has also expressed interest also. ABS-CBN, meron ba?” tanong ni Ryan sa manager.

Ayon naman kay Noel ay floating pa sa ABS-CBN dahil hindi pa nakakapagdesisyon si Juday tungkol sa kanyang kontrata sa Kapamilya.

 â€œHopefully, this week, malinaw na,” say niya.

Pero kung siya ang tatanungin, nasaan ba ang puso niya?

 â€œAng loyalty ko siyempre, nandun sa trabaho. I think it’s been a long time that I’ve nurtured good relationships with the stations where I’m comfortable na sabihing kung saan maganda ang trabaho doon ako kasi maganda ang track record ko sa tatlong stations,” pahaging ni Ryan.

Siyempre, hindi rin maiwasang matanong siya tungkol sa kaso ng kasamahan niya sa Eat Bulaga na si Wally Bayola. Timing naman na nang pumutok ang sex video scandal, wala sa show ang TV host/actor dahil nga may sakit.

 â€œAh, well, I just hope he’s okay with his family and I think he is. Kung anuman ’yung pinagdadaanan niya, ’wag na tayong maki­dagdag and ako bilang Dabarkads, hindi na ako makiki-comment. Hindi na ako makikisawsaw. As long as he’s okay with his family and he’s alright, that’s all I care about,” say ni Ryan.

Samantala, ang pelikulang Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap ay mula sa direksiyon ni Joey Reyes at may regular screening ito sa lahat ng SM Cinemas nationwide from Sep. 11-17.

Kasama niya rito sina Bobby Andrews, Jackie Lou Blanco, Chynna Ortaleza, Kim Rodriguez, Alwyn Uytingco, Rustica Carpio, at marami pang iba. The movie is a part of All Masters Showcase of the annual celebration of Sineng Pambansa sponsored by the Film Development Council of the Philippines.

AKO ALL MASTERS SHOWCASE ALWYN UYTINGCO EAT BULAGA NAKALIMUTANG PANGARAP NIYA PERO RYAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with