Ekstra ni Vilma pinipilahan sa Canada
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 10, 2013 - 12:00am

Tama si Gov. Vilma Santos-Recto. Hindi naman siya naghahangad talaga ng award sa Ekstra pero siyempre ang fans niya ang may gusto. Para kay Ate Vi, sinasabi niyang ang pelikulang iyon ay tribu­te lamang niya sa maliliit na manggagawa ng industriya. Kaya nga ginawa niya nang walang bayad eh at kahit na indie film lang, sige, dahil maganda ang kuwento tungkol sa mga bit player na sa palagay niya ay kailangan namang bigyan ng suporta.

Ang isa pang sinasabi noon ni Ate Vi, gusto niyang mapatunayan na kahit na nga isang independent production, basta mahu­say ang pagkakagawa at gusto ng tao ang kuwento, panonoorin nila at magiging isang mala­king hit. Aaminin namin, sa pa­ni­niwalang ’yan ni Ate Vi ay nagduda kami sa umpisa. Eh wala naman talagang kumikitang indie film pero napatunayan niyang mali kami.

At alam ba ninyo ang latest na kuwento tungkol sa pelikula? Nagising kami ka­hapon na ang una naming na­kita sa aming e-mail ay isang picture na padala ng isa naming kakilala na nasa Toronto, Canada at ang ipinakita ay ang mahabang pila ng mga manonood ng Ekstra sa Scotiabank Cinema at iyon ay kuha raw isang oras pa bago magsimula ang screening.

Katunayan iyon na talagang hit ang kanyang pelikula kahit na sa ibang bansa.

Susundan pa iyon ng commercial thea­ter release sa Canada, ’tapos sa Australia, at iba pang bansa. Talagang reyna ng takilya si Ate Vi.

Take note, sa Toronto nagsisimula pa lang ang palabas ay may extended run na sa commercial theater circuit at sinasabi nga nila sa amin na may advance ticket sales na ang mga sinehan, parang re­servation para sigu­rado kang makakapanood.

Kailangan talaga ang gagawing pelikula ngayon ay iyong mga artistang uso lang kagaya ni Ate Vi. Iyong mga malaon nang nawala, huwag na.

Thanks for the pic, RB.

Nanay ni Gretchen tinawag din na evil

Natawa na lang kami sa sinabi ni Gretchen Barretto. Wala na nga raw sigurong masasabing iba pa laban sa kanya, “kasi lahat ng masasama naitawag na nila sa akin.” Mukhang sa bagay na iyon ay nakuha ni Gretchen ang aming simpatiya. Nagsasabi lang naman siya kung ano ang kanyang paniniwala, talaga namang outspoken siya noon pa man eh. Mas mabuti naman iyon kesa sa mga plastic na nagbabait-baitan.

Pero para naman magmula sa nanay mo na tawagin kang “evil”, parang iyon na talaga ang sukdulan. Ang hindi nga lang na-realize ni Inday Barretto nang  sabihin niyang si Gretchen ay “evil,” lumalabas naman siyang “mother of evil”. Eh anak niya iyon ’di ba? Hindi naman niya maikakaila.

Shalala nagulat na maganda at edukada ang asawa ni Wally

Nagkakuwentuhan kami ni Shalala noong isang gabi at nagkapareho kami ng opinion na ang biktima ng sex video ni Wally Bayola ay ang kanyang pamilya.

Nagulat pala si Shalala dahil sa amin lang daw niya nabasa na maganda pala at edukada ang asawa ni Wally na si Rizza Bayola. Aba, talagang maganda!

ATE VI EKSTRA GRETCHEN GRETCHEN BARRETTO INDAY BARRETTO IYON LANG SHALALA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with