^

Pang Movies

Bumalik sa Singapore after 16 years Yaya ng pinagsilbihang filmmaker rumampa sa premiere night ng sariling pelikula na wagi sa Cannes

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Naging celebrity ang yayang si Teresita Sajonia nang bumalik sa Singapore after 16 years upang dumalo sa premiere night ng Cannes International Film Festival best first feature film awardee na Ilo Ilo sa Marina Bay Sands Theater.

Ang Ilo Ilo ay directed and written by Singaporean filmmaker Anthony Chen, na panganay sa tatlong magkakapatid na inalagaan ng yaya noong 1988 to 1997. Siya ang naging paksa ng award-winning film, na unang obra ni Chen.

Malaki ang pasasalamat ni Yaya Teresita na hanggang ngayon hindi siya nakalimutan ng pamilya Chen, na dumalaw pa sa kanya sa San Miguel, Iloilo.

Willie magsusunog ng bilyones kung magtatayo ng TV station

Kung sakaling magtatayo ng sarili niyang TV station si Willie Revillame, kailangan niya ang malaking puhunan. More astronomical investment is needed to establish his own network among the major channels.

Gaano kaya katagal ang kanyang bilyones kung papasok siya sa broadcast industry as an owner of a TV channel? Another option para hindi gaanong mabigat, puwede siyang kumuha ng business partner. Baka maaari silang magsosyo ni Janet Lim-Napoles.

Magsama kaya ang tubig at langis?

Celebrities na dumidikit kay Napoles madaling lumusot

Kumakalat sa mga diyaryo at social media ang mga litrato ng celebrities na sangkot sa pork barrel scam, kasama mismo si Janet Napoles.

Sabi nga ng isang showbiz insider, madali namang lusutan ito kung mga larawan lang. Kapag ang mga artista kasi ay nasa isang okasyon, maraming gustong magpa-picture sa kanila. Mahirap tanggihan dahil sasabihing suplado ka.

Katrina hindi pa interesadong investor sa bayan sa Palawan

Ngayon, isa na sa mga popular tourist destination ang El Nido, Palawan, perfect timing kung mag-invest si Katrina Halili na ma-develop ng husto ang kanilang property sa nasabing dinarayong lugar.

Magiging isang magandang business ito kapag napaganda ni Katrina and family.

Claudine nagsilbing inspirasyon ng soap opera ni Juday?

Ang suspetsa ng mga televiewer, ang mga unang bahagi ng katatapos na Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos ay inspired by Claudine Barretto’s sob stories about the violence she suffered in the hands of her estranged hubby Raymart Santiago.

Magkahawig na magkahawig, sabi ng isang nakapanood sa teledrama. Teka, alin ba ang nauna, ang TV show o ang salaysay ni Claudine?

Macho actor regular na kliyente ang matandang TV personality na mukhang butangero

Madali pa ring makakuha ng mga maawaing bading ang isang dating macho actor sa tuwing ma­ngangailangan siya. Nag-aalok siya ng guaranteed-satisfaction service sa Internet. Agad namang may kumupkop sa kanya, kahit isang gabi lang.

Among his regular clients is an aging TV personality, na kung titingnan ay mukhang butangero pa sa macho!

Megan nadagdagan ng pressure sa panalo ni Mutya

Naunahan na ng Bb. Pilipinas ang pag-uwi ng isang worldwide beauty title nang magwagi si Mut­ya Datul ng 2013 Miss Supranational crown sa Belarus, besting 81 other contestants from around the globe.

On its fifth year, the Miss Supranational pageant is among the most popular contest in Europe.

Nadagdagan ang pressure kay Me­gan Young to bring home the Miss World crown, ongoing in Indonesia. Kung mananalo rin siya, second international beauty contest crown ito ng a­ting bansa, this year.

 

ANG ILO ILO

ANTHONY CHEN

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CHEN

CLAUDINE

MISS SUPRANATIONAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with