^

Pang Movies

Tension sa taping ni Dingdong idinenay!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang director na si Mark Reyes ng GMA 7 ang kinausap namin tungkol sa nasulat ng isang katoto na sinisisi na naman si Marian Rivera sa tension daw sa set ng Genesis dahil dumalaw ang actress sa boyfriend na si Dingdong Dantes na ang katambal ay si Rhian Ramos at hindi raw nakapagpatuloy ng taping after nag-usap ang dalawa. May selos factor pang sinabi ang source raw nang nagsulat.    

Heto ang text ni Direk Mark matapos naming mai-text sa kanya kung ano ang laman ng write-up. Pumayag din siyang isulat namin ang sagot niya sa amin na, “I was there. I wouldn’t call it ‘tension’ when Marian and Rhian greeted each other. But no issue at all.  I was right there when it happened. And about the delay, we had to wait for a costume requirement. It wasn’t because of any other reason.  And Marian was supposed to just drop by but Dingdong asked her to stay on and taping progressed as usual until we all packed up. I am sure there is no problem. We actually had a good taping that day and a happy set. You can quote me on that.”

Bakit kaya laging may ganitong kuwento sa set na hindi naman totoo? Matagal na nang dumalaw sa set si Marian, Aug. 29 pa, after niyang nakipag-meeting sa mga executive ng GMA entertainment para sa kanyang mga bagong project, bakit ngayon lamang lumabas at mali pa? May gusto bang manira kay Marian?

Ruru pasisikatin

Si Ruru Madrid na ba ang susunod na important star ng GMA Network? Produkto si Ruru ng talent reality show na Protégé: The Battle for the Big Artista Break last year. Hindi man siya ang naging winner, kinakitaan naman siya ng pagiging isang future star. Sa ngayon, napaka-busy niya dahil nagpo-promote siya ng first movie niya, ang Bamboo Flowers na isa sa entry sa Sineng Pambansa National Film Festival All-Masters Edition.

Na-excite nga raw siya nang pagkatiwalaan siya ni Direk Maryo J. delos Reyes to star in one of the three episodes ng movie na entirely shot sa Bohol at nakasama niya sina Irma Adlawan as his mom at lolo si Spanky Manikan. Ang dami raw naituro sa kanya ng mga nakasama niya at magagamit niya ito sa iba pa niyang project na ginagawa ngayon. Mamayang gabi na ang premiere night nila sa SM Megamall Cinema 7 na makakasama rin niya ang iba pang members ng cast, sina Max Collins, Orlando Sol, Diva Montelibano, Mylene Dizon, Zyruz Cruz. Sa Sept. 11-17 ang showing ng Bamboo Flowers at siyam pang pelikula sa lahat ng SM Cinemas nationwide.

BAMBOO FLOWERS

BIG ARTISTA BREAK

DIREK MARK

DIREK MARYO J

DIVA MONTELIBANO

IRMA ADLAWAN

MARIAN AND RHIAN

MAX COLLINS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with