^

Pang Movies

Aktres na-high blood sa rasyong corned beef sa taping

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Tumaas ang blood pressure ng isang aktres nang makita ang dinner na rasyon ng caterer — konting kanin at corned beef. Nagugutom pa naman siya at hindi mapapawi ang kanyang craving sa nakitang pagkain.

Nagme-makeup at nagpapaayos ng buhok ang glamorosa nang katukin ang dressing room. Kaila­ngan niyang lumabas para harapin ang mga bumisitang press. Nagtitili ang gutom na artista’t sumigaw na huwag siyang madaliin.

Dapat dumating agad ang inorder na dinner sa paborito niyang restaurant!

Direk Mel kinabog ni Bangs

Noon pang 2006 naipalabas ang most recent film ni Mel Chionglo, ang much-talked about na Twilight Dancers. Ngayon pa lang ito nasundan, ng isa ring sexy movie, Laureana, na lahok sa Sineng Pambansa All Masters Edition ng Film Development Council of the Philippines.

Ang bulong ng isang kaibigan, baka kabugin ng leading lady sa Laureana na si Bangs Garcia ang batikang director. Sa kanya kasi naka-focus ang pelikula tungkol sa woman empowerment.

May mga mapangahas na eksena sa Laureana si Bangs, sa pelikulang dalawang ulit niyang tinanggihan, bago tuluyang tinanggap.

Medyo naduwag sa paggawa ng mga daring scene ang aktres, kaya pinag-isipang mabuti ang project.

Bilang battered wife ng isang sundalo, played by Allen Dizon, mahirap agawan ng eksena si Bangs Garcia ng kanyang director. Surely, both of their presence will be felt. Sino kaya ang higit na lulutang?

Dawn, Lucy, at Lani safe pa sa pork barrel

Tayong mga taga-showbiz, nag-aabang palagi kung sino pang celebrities ang madadawit sa pork barrel scam. Sa rami ba namang mga artistang misis ng mga lawmaker at mga artistang nasa Kongreso mismo, tiyak na may lalabas na bagong pangalan araw-araw.

Safe pa at wala sa listahan sina Dawn Zulueta, Rep. Lucy Torres, at Rep. Lani Mercado.

Subaybayan natin ang further developments ng scam.

Kris nakakahugot ng emosyon kay Aljur

Open si Kris Bernal na enjoy siyang makatrabaho uli si Aljur Abrenica sa Princesa ng Buhay Ko. Mada­ling maglabas ng kailangang emosyon ang aktres kapag ang dating ka-love team ang kasama sa eksena.

“Kilala na kasi namin ang isa’t isa kaya madali akong makahugot ng emosyon sa kanya,’’ say ni Kris.

Si Aljur naman kaya, ano ang nahuhugot kay Kris Bernal?

Katrina, big joke ang tingin sa kasal

Isang big joke para kay Katrina Halili ang ma­ri­rinig na niyaya na siyang magpakasal ng kanyang boyfriend na si Kris Lawrence. Tila imposibleng mangyari?

Ang sigurado kay Katrina, gusto niyang magpa­kasal muna bago magkaroon ng second baby. Parang ayaw na niyang magpa-anak uli!

Vin Diesel at Ricky Lo nagtsikahan uli

May exclusive interview si Ricky Lo with Vin Diesel na ipapalabas sa Startalk this (Saturday) afternoon.

Ilang beses na nagkaroon ng exclusive interview ang The Philippine Star Entertainment editor/columnist with the action star kaya’t kilala na nila ang isa’t-isa, kahit noong naugnay pa si Vin kay Andrea del Rosario, na ngayon ay happily married na.

‘Pagkanta’ ni Lovelace aabangan

Noong nasa high school pa kami, pinagkaguluhan naming magkakaklase ang nobelang Deep Throat ni Linda Lovelace.

Ngayon ay may bagong pelikulang Lovelace at ang role ng ce­lebrated Deep Throat girl ay ginampanan ni Amanda Seyfried, isa sa mga bida sa Les Miserables.

Sa higpit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), makalusot kaya ang mga actual na “pagkanta” ni Lovelace?

Nanay ni Yasmien dati nang mayaman

Happy mother na si Yasmien Kurdi, married to Rey Soldevilla, Jr. Siyam na buwan na ang kanyang daughter na si Ayesha Zara.

Dati naming neighbor ang mama ni Yasmien at noon pa ay sila na ang pinakamayaman sa aming lugar.

BANGS GARCIA

DEEP THROAT

KRIS BERNAL

LAUREANA

LOVELACE

RICKY LO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with