Pagiging mukhang pera ni Jennylyn ipinagtanggol ni Luis
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 4, 2013 - 12:00am

Ipinagtanggol na ni Luis Manzano ang kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Sinabi niyang sa nalalaman niya, malaki naman ang kinikita ng girlfriend. Marunong din naman daw humawak ng kanyang pera si Jen. Si­guro nga kasi nadala na noong mawalan siya ng malaking halaga dahil sa ilang mga pinagtiwalaan niya. Hindi rin siya naniniwala na ang kanyang girlfriend ay mukhang pera.

Ganoon pa man, sinabi ni Luis na out of respect ay hindi niya pinakikialaman ang pamilya ng kanyang girlfriend at lalo na nga sa mga bagay na may kinalaman sa tatay ng kanyang anak, si Patrick Garcia.

Palagay nga namin ito na ang panahon para linawin ni Jennylyn ang lahat. Nagsimula lang naman ang mga ganyang usapan noong sabihin ni Patrick na matagal na niyang hindi nakikita ang kanilang anak pero wala naman siyang sinabi kung bakit. Samantalang dati naman ay nakikita at nakakasama niya ang bata. Hanggang sa may lu­mabas ngang mga tsismis na kasi nga raw ay may panahong wala namang assignments si Patrick kaya hindi siya nakapagbigay ng sustento sa kanyang anak, at iyon nga raw ang dahilan kung bakit hindi niya makita ang bata.

May nagsasabi naman na matapos na sinabi ni Patrick na parang may himig pa ng pagmamalaki na tatay na siya ulit, at this time ay kasundo niya ang ina ng kanyang anak,  mukhang iyon naman daw ang naging mitsa para hindi na niya makita ang anak niya.

Hanggang at odds sina Jennelyn at Patrick, at hanggang sa sinasabing parang itinatago niya ang kanilang anak sa ama, hindi talaga makakaligtas sa mga tsismis ang aktres.

Vilmanians inis sa hindi pagsasabi ng kinita ng Ekstra

Mukhang hindi nagugustuhan ng ilang fans ni Gov. Vilma Santos-Recto ang pagtanggi ng mga producer ni Ate Vi na sabihin kung magkano ang talagang kinita ng kanyang huling pelikula. Alam naman ng Vilmanians na kumita iyon dahil sinasabi ngang iyon ang biggest grosser sa Cine­malaya Independent Film Festival at tumagal nang tatlong linggo sa mga sinehan pagkatapos ng indie festival na iyon. Inilabas sila sa mahigit na isandaang sinehan.

Medyo mayroon nga sigurong conflict dahil alam naman natin na ang Cinemalaya ay nagbigay pa rin ng subsidy sa pelikula. ’Tapos kailangan pa nilang kuwentahin pati na ang tax rebate dahil rated A nga ang pelikula. Siguro nga mas gusto nilang manahimik na lang sa kinita ng pelikula.

Karapatan ng producers kung ayaw nilang malaman ng iba ang talagang kinita ng kanilang pelikula pero natural lang din na mainis ang fans sa gano’ng attitude.

Gay TV personality wala nang mabunot para pangsustento sa magastos na bagets na BF

Talaga raw wala nang kapera-pera sa ngayon ang isang gay TV personality. Lagi raw iyong nagmamadaling makuha ang kanyang suweldo at ganoon din ang bayad sa mga commercial sa kanyang show.

Eh kasi nga madalas kailangan niya ng pera at wala na naman siyang masyadong mabunot dahil halos ubos na ang kanyang savings. Kailangan pa niyang sustentuhan ang bagets niyang boyfriend na masyado raw magastos.

ATE VI HANGGANG INDEPENDENT FILM FESTIVAL KANYANG NAMAN NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with