^

Pang Movies

Magkaribal na aktres na parehong niligwak ng BF, mortal na magkaaway

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Hanggang ngayon, gumagawa ng eksena ang isang aktres na nakipagbangayan sa isang starlet tungkol sa ahasan ng boyfriend. Ang sanhi ng kanilang away, nakalimutan na silang dalawa at may bagong girlfriend na.

Ang magkaribal sa menchu, nag-iiskandalo pa rin kapag nagkikita. Sa isang bar, nagsigawan uli ang magkaaway nang magkita. Balewala kung sino ang nasa paligid nila, lalo’t apektado na ng espiritu ng alak. Muntik magsabunutan sa muling pagkikita kundi naawat ang basagulerang dalawa.

Pagkakadawit nina Bong at Jinggoy sa pork scam sinusubaybayan ng showbiz

Bago sumuko si Janet Lim-Napoles kay Pres. Noynoy Aquino, Miyerkules ng gabi, ipinakita na sa TV ang mga litrato ng pork barrel queen with Sen. Bong Revilla, Jr. and his wife Rep. Lani Mercado noong 25th wedding anniversary party ng mag-asawa.

Nasa mga news program pa ang mga larawan ni Napoles with Rep. Roman Romulo and his wife Shalani Soledad.

Huwebes ng umaga nang marinig natin ang report ng Commission on Audit (COA) sa Senate hearing. Malinaw na sinabing nag-confirm ng kanyang signature sa mga papeles ng transfer of funds sa mga NGO (non-government organization). Nakakalungkot na isang leading actor/producer ang sangkot sa billion-peso scam. Si Sen. Bong pa ang may pinakamaraming milyones sa mga kasalukuyang iniimbestigahan.

Pati si Sen. Jinggoy Estrada, na isa ring actor/producer milyones din ang questionable appropriations sa mga NGO, na karamihan sa mga binigyan ng tulong ay sinasabing walang natanggap o kaya’y nagsabing fictitious names sa nakalista.

Susubaybayan namin ang ongoing probe upang malaman ang totoo.

Juana Change hindi nakilala sa suot na maskarang baboy

Kahit lumitaw uli sa eksena si Juana Change (Mae Paner) noong rally against pork barrel, hindi naman siya masyadong nakita sa TV. Nakamaskara kasi ng baboy ang aktibistang aktres.

Sana maging guest siya sa mga TV sitcom or gag show.

Richard Yap magko-concert na rin sa Araneta

Seryoso sa kanyang music career si Richard Yap. Nag-record na siya ng debut album with his own versions of ’80s and ’90s hits and to be released this September.

Napanood namin si Ser Chief sa fund-raising show ng Philippine Movie Press Club at nakita namin kung paano siya dinumog ng fans na nagsisiksikan sa Zirkoh Morato, Quezon City.

After his debut CD launch, kasunod na ang first big major concert, na itatanghal sa Smart Araneta Coliseum.

Huling pelikula ni Celso Ad tinapos ng anak para maipalabas

Ang inaabangan namin sa Sineng Pambansa Festival All Masters Edition sa September ay ang pagpapalabas ng last film ni Celso Ad Castillo, Bahay ng Lagim.

Tinapos ang dubbing ng huling obra ni Celso Kid at kasali ito as tribute screening sa batikang director sa nalalapit na Sineng Pambansa.

 

BONG REVILLA

CELSO AD

CELSO AD CASTILLO

CELSO KID

JANET LIM-NAPOLES

JUANA CHANGE

RICHARD YAP

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with