^

Jennylyn critically-acclaimed actress ang pakilala kahit ‘di pa nanalong best actress

(Pang-masa) - August 28, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa press launching ng Anak Ko ’Yan!, ipinakilala si Jennylyn Mercado bilang “critically-acclaimed actress.”

Naloka kami dahil hindi pa nga nananalong best actress si Jennylyn. Nanalo siyang best supporting actress sa Blue Moon noong 2006 pero best actress, hindi pa!    

Tatapatan ni Jennylyn ang morning show sa kabilang istasyon ng boyfriend niyang si Luis Manzano. Hindi pa kaya sila nag-aaway?

Piolo at Shaina pilit na pilit

Dahil mag-asawa ang role nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa OTJ (On the Job), pinaglalapit nila ngayon, as in may romantic affair daw. Ang alam namin, pagkatapos ng nangyari kina Piolo at KC Concepcion, nagkaroon na ng phobia sa panliligaw ang aktor.

Eh hindi rin naman sila compatible ni Shaina! Mas bagay pa nga ang aktres sa anak ni Piolo na si Iñigo na papasukin na rin ang showbiz.

Bakit hindi na lang i-promote ang OTJ sa sarili nitong merits? O kaya kumapital sila sa pagkakapanalo rito ni Joel Torre bilang best actor sa katatapos na Puchon International Film Festival sa South Korea? Sa totoo lang, pilit na pilit ang pagli-link kina Piolo at Shaina.

Markki magpapakita ng talent sa pagkanta’t pagsayaw

Pagkatapos magpakita ng puwet at kakisigan sa Amor y Muerte, ibang klaseng pagpapakita ng kakayahan sa sining ang hatid ni Markki Stroem.

Sa Soundstrukk show sa Music Box, Timog, Quezon City ay kakanta siya at sasayaw. Pero hindi siya maghuhubad  dahil hindi naman siya macho dancer. Ngayong gabi (Aug. 28) na ang singing extravaganza na ito, directed by George Vail Kabristante, at produced nina Fernan de Guzman at Joey Austria.

Marami nang nakakakilala kay Markki. Isa siya sa mga aktor na pinag-uusapan sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival. Kasama rin siya sa pelikula ni Robin Padilla sa darating na Metro Manila Film Festival.

Kasama rin ni Markki sa Soundstrukk sina Princess Velasco, Akihiro Blanco, at Aimee Torres na nagpasikat sa kantang Pusong Bato. (ROLAND LERUM)

AIMEE TORRES AKIHIRO BLANCO ANAK KO BLUE MOON CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL GEORGE VAIL KABRISTANTE MARKKI PIOLO SHAINA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with