^

Pang Movies

Annabelle Rama haharapin ang dating kaaway na nanghihingi ng tawad

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ngayon ang face to face nina Annabelle Rama at Chito Alcid sa Taguig City Regional Trial Court.

Nakabantay ang media sa paghaharap ng dalawa dahil mag-uurong na ng demanda si Chito na hu-mingi na ng tawad kay Annabelle.

Inaasahan na patatawarin ni Annabelle ang reporter na nakaalitan niya noong nakaraang taon at sinugod sa burol ni Mang Dolphy sa Heritage Park.

Ang sabi ni Chito, gusto niya na yakapin si Annabelle sa kanilang pagkikita bilang gesture ng pag-hingi ng kapatawaran.

Eugene wala nang oras sa taping

Magsisimula na ang shooting ni Eugene Domingo para sa pelikula niya na official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival, ang Kimmy Dora kaya tuwing Miyerkules na lang ang taping niya para sa Celebrity Bluff, ang Saturday night game show ng GMA 7.

Ubos na ang advance taped episodes ng Celebrity Bluff. Kailangan na ni Eugene na mag-taping sa susunod na Miyerkules para may maipalabas sa August 31.

Alfred tumatanggap ng mga donasyon

Hindi nagpabaya si Congressman Alfred Vargas sa kanyang constituents sa Quezon City na biktima ng bagyo at baha.

Pero sa dami ng mga nasalanta sa District 5, kulang ang mga pagkain at relief goods. Welcome na welcome kay Alfred ang mga gustong mag-donate para sa constituents niya. Sa mga gustong magbigay ng donasyon, dalhin lamang ito sa  #26 St. Joseph Street, La Mesa Heights Subdivision, Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Masa… ilalagay sa gabi

Pang gabi at hindi pang hapon ang timeslot ng Prinsesa ng Masa, ang reunion project ng love team nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Mismong si Kris ang nag-confirm na pang-primetime ang teleserye nila ni Aljur at baka ito ang ipalit sa timeslot na mababakante ng Anna Karenina. Matagal nang hindi napapanood sa TV ang love team nina Kris at Aljur kaya  excited na ang fans nila sa pagsisimula ng Prinsesa ng Masa sa September.

 

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANNA KARENINA

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BARANGAY GREATER LAGRO

CELEBRITY BLUFF

CHITO

CHITO ALCID

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with