_pang-masa
^

Sikat na showbiz personality tinawag na walanghiya, laos, at walang utang na loob ng dating kaibigan

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 7, 2013 - 12:00am

Kawawa naman ang sikat na showbiz personality na tinawag na walanghiya, laos, at walang utang na loob ng isang dating kaibigan.
Obvious na malalim ang ugat ng pinag-awayan ng dalawa dahil matindi ang galit sa sikat na personality ng kanyang ex-friend.
Mapagpatol ang sikat na personality sa mga nang-aaway sa kanya. Patulan kaya niya ang pag-e-emote ng kanyang former friend?

Bistekville ni Mayor Herbert mas maayos Na tirahan

“Huwag naman sana,” ang sagot ni Mayor Herbert Bautista ng Quezon City sa isyu na ibo-boycott ng informal settlers ng syudad ang Raketeros.

Ganyan kabait si Herbert na nagmamagandang-loob na nga, inaaway pa ng informal settlers na ayaw lumipat sa Bistekville 1 sa Payatas.

’Di hamak na mas matino ang mga bahay sa Bistekville na iniaalok ni Herbert kesa sa mga barung-barong na tahanan ng informal settlers na pasaway at hindi open sa pagbabago.

Agree ako sa pagmamatigas na ginagawa ni Herbert sa informal settlers. Hindi puwede na susuyuin sila forever. Sila na nga ang naninirahan ng illegal, sila pa ang may gana na magalit at maghari-harian sa mga lupain na hindi naman nila pag-aari.

Markki madaling makalimot at malimutan

  Wala sa presscon kahapon ng Raketeros si Markki Stroem, ang aktor na tinutukso na may amnesia dahil hindi niya matandaan ang name at face ng mga reporter na madalas na nag-iinterbyu sa kanya.

Twice ko nang na-meet si Markki at in fairness sa kanya, natatandaan niya ako. Baka siya pa nga ang hindi ko ma-remember dahil forgettable ang kanyang personality.

Ogie wala pang alam na mga detalye sa gagawing musical show

Hindi na ako nakapunta kahapon sa presscon ng anniversary concert ni Ogie Alcasid sa Greenhills, San Juan City dahil nakipag-meeting ako kay Boss Vic del Rosario sa opisina ng Viva Films sa Ortigas Center sa Pasig City.

Na-miss ko tuloy ang first presscon ni Ogie bilang Kapatid star.

Hectic ang schedule kahapon ni Ogie dahil pumirma siya ng kontrata sa TV5, umapir sa presscon ng kanyang concert at dumalo sa premiere ng Raketeros sa Trinoma Cinema sa QC.

Musical show ang unang project niya sa TV5. Pero hindi pa alam ni Ogie ang buong detalye ng show na gagawin niya sa Kapatid Network kaya wala siyang masyadong maibigay na impormasyon sa mga reporter.

Nag-start na si Ogie na manood ng mga programa ng TV5 para maging pamilyar siya sa kanyang bagong mother studio.

BISTEKVILLE BOSS VIC KAPATID NETWORK MARKKI MARKKI STROEM MAYOR HERBERT OGIE RAKETEROS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with