Gretchen pinagtatawanan ang pinagdadaanan ni Claudine
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 3, 2013 - 12:00am

Nagtatawa pa si Gretchen Barretto nang sa­bihin sa media na wala siyang pakialam kung anuman ang problemang pinagdadaanan ngayon ng kanyang kapatid na si Claudine.

“Hindi ba sabi nila mind your own business,” rason ni Gretchen.

Pero ’kakatuwa nga iyan dahil kung natatan­daan ninyo, kaya nga nagkaroon sila ng gulo sa pamilya ay dahil talagang hindi nakapagpigil si Gretchen nang may masabing hindi maganda si Claudine sa kanilang pamangking si Julia Barretto sa kanyang social networking account.

Nag-post din naman si Gretchen at ang nanay ni Julia na si Marjorie Barretto laban sa bunso nila, na kinampihan naman ng kanilang inang si Inday.

Ngayon kaya nakakatuwa ay dahil sinasabi ni Greta na wala siyang pakialam pero bago pa iyon ay na-quote rin siya na nagsasabing hindi siya nagtataka na ang kapatid niya ay at odds na ngayon kay Raymart.

Matatandaang matagal nang naghiwalay sina Claudine at Raymart ng bahay, bago pa man ang kaguluhan ng pamilya Barretto. Hindi sila nagsabi kung ano talaga ang dahilan ng hiwalayan kaya nga ang lumalabas ay puro espekulasyon lamang. Marami rin naman ang nagtataka dahil wala namang nabalitang pag-aaway nila. Hindi nga ba magkasama pa sila at magkakampi noong mapaaway sila kay Mon Tulfo sa airport?

Kaya nga marami ang nagsasabing ang naging paghihiwalay nila ay tiyak na may mabigat na dahilan dahil kung hindi ay hindi naman siguro aabot pa sa kor­te ang kanilang problema.

Pelikula nina Vilma at Kim, pinipilahan

Siguro ay masasabing medyo nawala na ang slump sa industriya ng pelikulang Pilipino. Ang kailangan lamang talaga ay gumawa ang mga producer ng pelikula na magugustuhan ng masa. Kailangan sigu­ro ay gusto rin nila ang kukuning artista.

Kaya namin nasabi ang ganyan ay dahil sa report na sa unang araw ng pelikulang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na ang bida ay sina Kim Chiu at Xian Lim, ang pelikula ay kumita ng P10.5 milyong piso. Hindi mo masasabing makakapantay iyon ng kinita ng mga pelikula ni John Lloyd Cruz pero malakas na rin ’yun ha?

Ang pelikula rin ni Vilma Santos na Ekstra, laging sold out pati sa Cultural Center of the Philippines at maging sa limitadong sinehan na naglalabas noon. Ibig sabihin, tiyak na kikita rin iyon pagdating ng regular run sa mga sinehan.

Palagay namin, ang mga napapasukan naming mga pelikulang Pilipino na kung saan ang nakita namin ay pito lang ang nanood, at noong minsan naman na labing isa lang kaming nanood, talagang hindi gusto ng mga manonood kahit hindi sila gumagastos para pumunta sa mga sinehan.

Kulay berdeng dugo ng aktor, naaamoy na ng bagong GF

After just a few days, mukhang nakakahalata na rin yata ang bagong girlfriend ng aktor na bading. Hindi na kasi siya madalas tawagan at puntahan. Ngayon, mukhang siya na ang nag-e-effort para magkita lamang sila.

Ang masama lang ay baka sa kanyang effort ay magaya siya sa dating girlfriend ng aktor na siya pa mismo ang nakatuklas ng katotohanan tungkol sa kabadingan ng kanyang dyowa.         

BAKIT HINDI KA CRUSH CLAUDINE CRUSH MO CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES GRETCHEN GRETCHEN BARRETTO JOHN LLOYD CRUZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with