^

Pang Movies

Hiwalayang LJ at Paulo, gimik lang?!

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Gustong malaman ng mga sumusubaybay sa love story nina LJ Reyes at Paulo Avelino ang katotohanan. Naghiwalay nga ba ng tuluyan ang dalawang may three-year-old son na si Ethan Aki?

Ang hinala kasi ng iba, palabas lang ang hiwalayan blues nila. Pag-iinarte lang daw ito para sa kapakanan ng kanya-kanyang career nina LJ at Paulo.

Naniniwala silang tuloy ang magandang relasyon ng ‘‘estranged’’ couple.

Lalo na ngayon na lumalabas na labis ang papuri ni LJ kay Paulo bilang isang mabuting ama ni Aki. May mga third party nga bang involved on both sides? Look lang sa sky si Atcheng Pan!

Sugo hinihintay nang ipalabas

Ano na kaya ang current progress ng filming of Ang Sugo ng Iglesia ni Cristo (INC) which is expected to be the biggest and most expensive movie in Philippine film history?

Nabanggit noong una nilang grand launch na ang target playdate ng Ang Sugo ay sa July 2014, kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng INC ng kanilang founder na si Bro. Felix Manalo.

Nangalahati na kaya sila, ngayong isang taon na lang bago ito ipalabas?

Ang gaganap na Bro. Felix Manalo ay si Richard Gomez at sina Albert Martinez at Sen. Bong Revilla, Jr. ang mga anak ng Supreme Founder sa pelikula.

Ayon sa mga Ang Sugo insider, maraming eksena ang sa ibang bansa pa kukunan kung saan itinayo ang maraming Iglesia ni Cristo churches all over the world. Tunay na isa nang malaking international religion ang INC kaya sa buong panig ng daigdig ang kanilang INC churches.

Nangyari ang lahat nang ito sa sipag at tiyaga ng pamilyang Manalo at lahat ng mga Kapatid na buong pusong sumuporta sa kanila.

Siguradong maisasalin sa malaking pelikulang Ang Sugo ang lahat ng drama at pagpupunyagi, kaya naging matibay na haligi ng pananampalataya ang INC.

Direktor hindi binabayaran ng mayamang produ, budget iniipit

Samantalang isang pelikulang pinapaksa ang buhay ng 12 Apostles ni Jesus Christ ang inirereklamo ng direktor ng project, na hindi man siya nababayaran, kahit walong linggo na niyang ginagawa ang pelikula.

Magsakripisyo ka muna ngayon, Direk. Tiyak maganda namang biyaya ang matatamo pa sa iyong taus-pusong pagtulong! Kaya lang ang reklamo ni Direk, super rich naman ang producer ng pelikula kaya nagtataka siya at walang ibinibigay na budget.

Vilma nakapulbos sa ekstra

Sa isang larawan ni Vilma Santos na kasama ang isang tunay na bit player, ang 60 years old na si Erlinda Villalobos, malinaw na fully made up ang aktres. Pero ang tunay na ekstra, kahit Johnson’s baby powder hindi man lang napulbusan!

Umaasa pa rin ang mga Vilmanian na makatotohanan ang Ekstra, na binig­yan ng five-minute standing ovation sa initial screening nito.

Alessandra suporta lang ng mga batang taga-Tondo

Sabi ng mga nakapanood ng The Liars ni Director Gil Portes, supporting player lang doon si Alessandra de Rossi.

Ang tunay na mga bida sa pelikula tungkol sa pandaraya ng mga tunay na edad ng ating Little League baseball team, na binawian ng kampeonato nang matuklasan ang anomalya, ang tunay na mga bida sa istorya.

Karamihan sa mga batang bagong tuklas ni Direk Portes, mga first timer umarte sa pelikula. Sila’y mga taga-Baseco compound sa Tondo, Manila at iba pang squatter’s area sa Kamaynilaan.

Matapos silang paliguan at mag-acting workshop sandali, mahusay na nagampanan na ang kanilang mga papel.

Jason tuloy ang pagso-sorry kay John

Hanggang ngayon pala hindi pa nagkakausap ng personal sina John Prats at Jason Francisco, matapos ang umbagan sa rehearsal ng Banana Split last March. Nasaktan ang actor/dancer pero pinatawad na ni John si Jason through a TV show.

Si Jason naman tuloy ang pag-text kay John, na sana ay magkaroon sila ng formal reconciliation, so that they can really bury the hatchet. Not on each o­ther’s back, of course!

Althea eksperto na sa pag-aalaga ng katawan

Isa sa mga top favorite actress ng mga indie filmmaker si Althea Vega. Bukod kasi sa mahusay umarte, wala siyang takot sa paghuhubad. Maganda naman kasi ang hubog ng kanyang katawan at puwedeng pang-display.

Naging consultant din siya sa slimming salon kaya alam niya ang pag-maintain ng kanyang whistle-bait figure.

 

ALBERT MARTINEZ

ALESSANDRA

ALTHEA VEGA

ANG SUGO

FELIX MANALO

LANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with