^

Pang Movies

Bumigay din saka hiniwalayan ni Billy? Nikki nakitaan na ng senyales, singsing na paalala ng nanay tinanggal!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noon pang March nagpahiwatig na may problema na sila ni Nikki Gil, sa kanilang mahigit na apat na taong relasyon.

‘‘Wala namang perfect na relation,’’ deretsong sabi ng singer/TV host.

After two months, hindi na suot ni Nikki ang singsing na bigay ng kanyang mother na laging nagpapaalala na huwag munang isuko ang Bataan. Sabi naman ni Nikki, hindi niya kailangan magpaliwanag kahit kanino.

Before the month ends, inamin na nila ni Billy Crawford ang breakup.

Sa ngayon, lahat tayo ay nanghihinayang sa katapusan ng isang magandang romansa.

Mga nominadong  National Artist sisimulan nang piliin

Noong Biyernes ng umaga pa lang nagpulong ang mga eksperto upang simulan ang deliberations sa pagpili ng mga bagong National Artists para sa film, music, broadcast arts, architecture, allied arts, literature, theater, and dance.

Siyempre closed door ang kanilang meeting kaya’t wala pang lumalabas na kahit isang pangalan kung sino ang mga nominado para sa natatanging gawad. Tuwing tatlong taon pala nagbibigay ang ating pamahalaan ng mga National Artist awards.

Nagsimula ang deliberation para sa bagong grupo, mahigit isang linggo nang paglabas ng Supreme Court sa kanilang desisyon na pagbawi sa ginawad na National Artist awards noong panahon ni President Gloria M. Arroyo. Nagpasiya ang Kataas-taasang Hukuman laban sa pasiya ng dating pangulo na ang mga parangal ay “issued with grave abuse of discretion.’’

Sa pahayag ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman Felipe Padilla de Leon, Jr., maayos na magaganap ang lahat ng procedures sa pagpili ng National Artist, na sinimulan na nga last Friday sa NCCA, hanggang ipahayag ang mga kagawaran sa November 2013.

Direk nag-panic sa nabopol na bida, agad tumawag ng acting coach

Nagtitili ang isang director sa pagkabopol umarte ng bidang aktor sa isang project. Simpleng sitwasyon lang kasi na magpapakita ng pagkagusto sa kanyang partner na aktres, hindi magawa ng aktor.

Nag-panic si Direk kaya’t biglang tumawag ng acting coach doon mismo sa set ng na-delay na te­leserye.

Say naman ng mga nakakakilala sa bida, higit na madali siyang makakaarte na na-in love kung kapwa niya macho ang kapareha!

Kapamilya sure na milyun-milyong piso ang ibinayad sa FPJ films

Nagtagumpay ang ABS-CBN na makuha ang exclusive rights sa Fernando Poe, Jr. movie library. Pinahayag ng biyuda ni FPJ na si Susan Roces na naniniwala siya at ang kanyang buong pamilya na hindi mapapantayan ang kakayahan ng network sa pagtatampok at pag-aalaga ng film masterpieces ni Da King.

Kabilang sa record-breaking hits mula sa Hari ng Pelikula na nasa ABS-CBN na ay Ang Panday, Totoy Bato, Kahit Konting Pagtingin, Sa Iyo ang Tondo, Akin ang Cavite, Batang Quiapo, Asedillo, Agila, at Isang Bala Ka Lang.

Isang National Artist For Film ang yumaong actor/director/producer/script-writer. Ipapalabas ang kanyang mga pelikula sa ABS-CBN, Cinema One, Jeepney TV, Studio 23, at TFC. Tiyak na ang acquisition of the TV rights of FPJ’s films is another multi-million peso deal.

ANG PANDAY

BATANG QUIAPO

BILLY CRAWFORD

CHAIRMAN FELIPE PADILLA

CINEMA ONE

CULTURE AND THE ARTS

DA KING

NATIONAL ARTIST

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with