Ngayon lang tuluyang sumabog: Sen. Bong noon pa may sama ng loob sa MMFF!?
MASA...RAP - Ernie Pecho (Pang-masa) - July 27, 2013 - 12:00am

Noon pa kasing 2010 at 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) umabot sa amin na disillusioned si Sen. Bong Revilla, Jr. o may sama ng loob sa MMFF. Akala nga namin hindi na siya lalahok sa taunang film fiesta.

Kaya ngayong 2013 na biglang inatras ang kanyang official entry na Idol Ko si Kap, halos hindi kami maniwala sa mga narinig naming mga dahilan. Kasabihan nga ng mga Pinoy, ‘‘Kapag ayaw, maraming dahilan. Kung gusto, may paraan.’’

Matipunong aktor may itinatagong hiwaga sa ibang pangalan

Minsan kasama ng isang sikat na showbiz personality ang kanyang yaya sa shooting. Nawiling manood ang kasambahay sa mga artistang nandoon kaya’t malakas pang tinawag nang kailangan siya.

Nagulat ang tumatawag sa pangalan ng yaya nang biglang sumagot ang isang matipunong aktor, na akala niya ay siya ang tinatawag. Siyempre pareho silang napahiya sa nangyari. Nabisto tuloy ang aktor na may alyas na pala siyang pangalan ng girl!

Marian gustong ipagsigawan ’pag nabuntis!

Si Marian Rivera mismo ang nagkaila na siya ay nagdadalantao. Say niya, magiging proud pa siya at hindi niya ililihim kung siya ay buntis. Ilalagay pa niya sa kanyang Instagram ang masayang balita.

Kailan lang ay napanood ng marami ang pagrampa niya sa Sexiest Women party. Kung totoo nga naman ang chismax, tila siya inaheng malapit nang mangitlog pero nagniningning pa rin sa kaseksihan!

Hindi pa nagparetoke. aktres pumanget nang pumanget dahil sa droga at alak

Ipinipilit ng mga close sa aktres na hindi siya biktima ng inefficient cosmetic surgeon. Wala raw silang alam na okasyon na nagpunta sa clinic ang artista upang magparetoke.

Nagulat kasi ang marami sa mukha ng aktres na daig pa ang nakulam. Higit kasing naging chaka ang kanyang fez, sa halip na gumanda.

Baka resulta lang ito ng masamang bisyo, say nila. Kaya pinayuhan ang artista na magpahinga at iwasan ang mga bawal na gamot o alak! Huwag muna siyang maglalalabas ng bahay, o kahit sa social media, at lalo siyang katatakutan ng mga tao.

Boy Golden hindi pa nakakasiguro sa MMFF

Hinihintay kung anong pelikula ang biglang masasali sa eight official entries ng MMFF. Inaasahan ng karamihan ang Boy Golden ni Gov. ER Ejercito. Pero ang sabi ng mga nakakaalam, pang-labing isa lang sa ranking ang nasabing project.

Kung gusto nang napiling pang-siyam, ito ang may karapatan. Kung ayaw naman, kasunod pa ang pang-sampu, bago pa ang lahok ng actor/politician.

Robin maluwag kay Ali

Magbibinata na ang anak ni Robin Padilla na si Ahmad Ali (Robinhood Sicangco) at mukhang mahilig mag-artista ang only son ni Binoe sa kanyang dating misis na si Liezl Sicangco.

Sa kapwa niya lalaki walang dahilan upang maghigpit ang action star. Tiyak na papayagan niya itong pumasok sa showbiz.

LJ aminadong madalas kasama si JC at ang rugby player

Aminado si LJ Reyes na madalas niyang makasama si JC de Vera at isang rugby player. Ayaw naman masabing nakikipag-date siya sa mga nabanggit na celebrities.

Sa ngayon, pinipilit niya na walang seryosong relasyon with either one of the guys. Baka saka na lang siya magbibigay ng official statement kapag magkakaroon na ng bagong baby!

AHMAD ALI BONG REVILLA BOY GOLDEN IDOL KO KAYA NIYA SIYA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with