‘Perfect actress si Ate Vi’ – Cherry Pie
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 20, 2013 - 12:00am

Pinuri ng aktres na si Cherry Pie Picache si Gover­nor Vilma Santos at sinabi ng magaling na aktres na ang nakita niyang acting sa Star For All Seasons ay “perfect”. Bihira kang makarinig ng ganyang klaseng pag-eendorso ng isang aktres sa kapwa niya aktres.

Sinabi pa ni Cherry Pie na ikinatutuwa niyang ang isang aktres na kagaya ni Ate Vi ay sumubok na gumawa ng isang pelikulang inde­pendent. Naisip din kasi niyang kung ang mga ma­lalaking artista na may kakayahang bumatak ng tao sa box office ay gagawa ng mga pelikulang indie, baka mapansin din iyon.

Dito kasi sa atin, parang hindi napapansin ang mga indie film. Dito, basta sinabing indie ay tiyak na sasabihing tinipid ang pagkakagawa ng pelikula. Halos barya lang ang puhunan sa mga iyon. Kaya nga hindi sila ma­kakuha ng mga sikat na artista talaga para gumawa nang gumawa ng mga indie movie kasi kung minsan ang talent fee ng mga iyon ay mas malaki pa kaysa sa kabuuang budget ng isang indie film. Bukod doon kaya hindi nga masyadong pinapansin ng mga tao ang mga pelikulang indie ay dahil bakit ka nga ba naman magbabayad nang napakalaki para mapanood lamang ang isang pelikulang tinipid?

Kung iisipin nga ay mas malaki pa ang production budget ng isang teleserye kaysa sa isang pelikulang indie eh.

Isang magandang example nga ang isang pelikulang nagawa ni Cherry Pie. Limang taon na ang nakaraan matapos nilang magawa ang pelikulang iyon, ngayon lamang mailalabas sa commercial theater circuits. Kagaya ng ibang indie films, nailalabas lang iyon sa mga special screening sa mga eskuwelahan. Hindi nakakatikim ng commercial release at maraming indie ang ganyan. Mayroon pa ngang tinatawag na “straight to video”, iyong hanggang sa DVD copy na lang dahil talagang hindi kikita sa sinehan.

Iyon ngang pelikula ni Cherry Pie na ilalabas makalipas ang limang taon, inendorso pa ng Department of Education. Inendorso rin iyon ng Ca. Pero palagay namin, sa kabila ng endorsong ginawa ng gobyerno at simbahan, hindi pa rin iyon magiging isang malaking hit. 

GMA exec mas lalong nagalit kay Sarah

Ano ba naman iyan, ang dami nilang kuwento tungkol sa mga kasong isasampa ng aktres na si Sarah Lahbati laban sa GMA executive na si Atty. Annette Gozon-Abrogar? Lumalabas na nagbigay lang pala siya ng information sheet tungkol sa mga kasong gusto niyang isampa. Wala pa pala namang kasong isasampa kahit na isa.

Pagkatapos noon, nag-abroad na muli si Sarah kasama ang pamilya ni Richard Gutierrez.

Samantala, matigas na ngayon ang mga salita ni Abrogar na hindi na siya papayag na makipag-areglo pa kay Sarah. Gusto na niya ngayong tuluyan ang lahat ng mga kaso anuman ang maging kalalabasan.

Aktor ipinagpalit ng gf sa DOM

Inamin naman pala ng isang aktres sa dati niyang boyfriend na makikipag-split siya dahil nalaman niya ang katotohanan na hindi naman pala iyon mayaman at hindi maibibigay sa kanya ang luhong gusto niya.

Noong una, siyempre nasaktan ang actor boyfriend dahil sa sinabing gano’n sa kanya. Pero nga­yon natatawa na siya dahil dirty old man (DOM) ang ipinalit sa kanya ng dating girlfriend.

 

AKTRES ANNETTE GOZON-ABROGAR ATE VI CHERRY PIE INDIE ISANG IYON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with